CHAPTER 16

13.8K 696 88
                                    

Jealous

ANG laki ng eyebags ko. Tapos parang mababasag pa ang ulo ko. Paano kasi hindi ako nakatulog nang buong magdamag, literal. Pabali-baliktad lang sa kama ang ginawa ko dahil kahit ano'ng gawin ko ay ayaw akong dalawin ng antok. Maliban sa may limang oras akong tulog kahapon ng hapon ay hindi ko magawang burahin sa isip ko ang nangyari kagabi.

Hinalikan ako ni Kuya—este Señorito Gaston!

Ang malala pa ay sinabi niyang mag-on na raw kami!

Totoo kaya 'yon? Hindi ko alam ang gagawin ko kaya itinulak ko siya kagabi nang hinalikan niya ako. Kaya hayun, nakabulagta siya sa gitna ng sala dahil sa kalasingan. Hindi ko lang alam kung nagawa pa niyang umakyat sa kuwarto niya. Basta nanakbo na lang ako pabalik sa kuwarto saka nagtalukbong ng kumot.

Pasado alas otso na ng umaga. Pero hindi ko pa rin alam kung lalabas ba ako ng kuwarto o magkukulong na lang. Paano ko ba haharapin si Señorito Gaston pagkatapos ng nangyari kagabi? At saka bakit ang bilis-bilis na naman ng tibok ng puso ko? Lalo na kapag bumabalik sa isip ko ang eksena namin.

Nagsuot ako ng fitted jeans na pinaresan ko lang ng puting long-sleeved polo blouse. Mabuti na lang at mayroon akong dalang concealer kaya natatakpan ko ang ilalim ng mga mata ko. Ngayon ang unang araw ko sa trabaho. Hindi ko pa alam kung ano'ng ipagagawa sa akin.

Nakailang hinga ako nang malalim bago ko napagdesisyonan na lumabas ng kuwarto. Napatigil pa ako bago ko pinihit ang door knob. Kulang na lang tatalon ako sa building para lang hindi ako makita ni Señorito.

Gising na kaya siya?

Nag-tiptoe ako pababa ng hagdan habang nakatingin sa kaliwa't kanan, sa likod at sa harap. Agad kong tiningnan ang sala.

Wala na siya roon!

Ibig sabihin ay gising na siya.

Nasa kuwarto niya kaya siya? Napatingala ako sa itaas. Sana ay nando'n pa siya. Hindi ko pa siya kayang harapin. Sana nga ay hindi ko siya makita buong araw.

Pero sa kamalas-malasan ay napatalon ako sa sobrang gulat nang makita ko ang bulto niya sa kusina. Naghahanda siya ng lamesa para sa agahan. Agad niya akong napansin kaya napatingin siya sa 'kin.

Napalunok ako. Nakabihis na siya at bagong ligo. Pero nakasuot siya ng apron. Kulay purple pa.

Bakit parang ang hot niyang tingnan? At parang mas mabango pa siya sa niluluto niya. Sigurado ba siyang hindi siya ang almusal ko?

Naipilig ko ang ulo. Ano ba 'tong naiisip ko?

"You're awake," sabi niya sabay hagod sa akin ng tingin. Bigla akong nag-iwas ng tingin.

"Señorito, g—good morning." Napalunok ako.

"Take your seat," aya niya sabay hila ng upuan.

Wala sa sariling napasunod naman ako sa kanya. Marami siyang niluto. May sinangag, may poached eggs, bacon, at hotdog. Marunong pala siya?

May panahon pa talaga akong usisain ang niluto niya gayong sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang hindi ko kayang lumunok ng pagkain. Tingin ko kasi ay nakasunod ang mga titig niya sa akin.

Naupo siya sa katapat kong upuan pagkatapos ay sinandokan niya ng sinangag ang plato ko. Gusto ko sanang magprotesta dahil parang ako pa ang amo sa lagay namin, pero nakakatakot magsalita, baka mautal pa ako. Ang bango ng luto niya, parang expert siya sa kusina.

"Did you have a good sleep last night?" tanong niya.

Napayuko ako at marahang tumango. Sana lang ay hindi niya mapansin ang eye bags ko. Sa totoo lang ay hikab na hikab na ako sa antok. Pinipigilan ko lang. Pero ang mas nakakabahala ay kung maaalala niya ang nangyari kagabi. Huwag naman sana.

Against the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon