CHAPTER 9

14.4K 670 155
                                    

Exclusively Mine

WALANG umiimik sa aming tatlo. Hinihintay naming dumating ang order naming pagkain. Nandito kami sa isang mamahaling restaurant malapit sa apartment nina Payatot. Basta na lang kasi akong hinila ni Puppy Gaston papunta rito nang walang sabi-sabi. Si Payatot naman ay sumunod. Balak din yatang magpalibre sa kuya niya.

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Masyadong malakas ang aircon dito sa loob kaya napapayakap ako sa sarili ko.

Pero wala na yatang mas malamig pa sa awra ni Puppy Gaston. Kanina pa siya hindi nagsasalita. Kahit paghinga ko ay gusto kong pigilan para hindi makagawa ng anumang ingay. Blangko kasi ang mukha niya. 

Hindi ko alam kung ano'ng tumatakbo sa isip niya. Tapos kung makatingin siya parang lahat ng tao ay may utang sa kanya.

Galit pa kaya siya sa nangyari kahapon?

Napaayos ako ng upo nang biglang sinipa ni Payatot ang paa ko sa ilalim ng lamesa. Bagama't hindi labas ang ngipin ay nakangisi siya habang inginunguso si Puppy Gaston. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin kaya napakunot ako.

Ang awkward nga ng sitwasyon namin. Paano kasi si Puppy Gaston nakasuot ng business suit. Si Payatot naman parang may natuyo pang semento sa T-shirt niyang puti. Dahil nasa field work naman daw siya, paninindigan niya na lang ang pagiging construction worker sa mga mata ni Zia Lynn. Ako naman naka-uniform. Mukha tuloy kaming mga street children na inampon ni Puppy at dinala rito para pakainin.

Muli akong napayakap sa sarili ko. Lalo pa yatang lumakas ang aircon. Mga bampira ba ang mga tao rito? Bakit hindi sila nakakaramdam ng lamig? Idagdag pa na para na akong matutuyuan ng laway. Feeling ko kasi kapag ibinuka ko ang bunganga ko ay bigla na lang may magpapataob ng lamesa. Hindi pa naman ako sanay nang hindi nagdadaldal. Malayo naman ang distansya namin sa ibang customers. May tumutugtog na music pero hindi siya kalakasan para hindi maramdaman ang katahimikan sa puwesto namin.

Nagulat ako nang biglang tumayo si Puppy Gaston saka hinubad ang suit jacket niya, pagkatapos ay isinuot niya iyon sa akin. Nahawakan ko naman ang laylayan niyon. Walang imik siyang bumalik sa upuan niya saka itinupi ang suot niyang long-sleeved polo hanggang sa siko niya.

Bumilis ang heartbeat ko pero hindi ko iyon ipinahalata.

"Salamat po," mahinang sambit ko. Buti na lang hindi ako nautal.

Nakaramdam ako ng ginhawa. Hindi ko akalain na gagawin ni Puppy Gaston iyon.

Napakaguwapo niya lalo sa paningin ko. Dahil medyo bakat ang polo niya sa katawan ay lumilitaw ang lapad ng kanyang dibdib. Nahiya ang alikabok na dumikit sa balat niya. Mukha kasi siyang mamahalin. Sabagay, maliban sa maganda talaga ang lahi nila, ang mamahalin din siguro ng skin care niya. Samantalang sa akin Kojic lang.

Muli akong sinipa ni Payatot sa ilalim ng lamesa. Kaya this time sinamaan ko na siya ng tingin.

"Aren't you busy, Timothy? Why are you here?" biglang basag ni Puppy sa katahimikan. Pasimple kong binelatan si Payatot.

"I'm hungry. I also want to eat," sagot ni Payatot sabay kamot sa kanyang batok.

Nagpalipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil parang may laser beam sa mga mata ni Puppy Gaston. Kulang na lang ay itaboy niya si Timothy paalis. Wala yata sa mood talaga si Puppy ngayon.

Dumating ang order namin. Nakalibre na naman ako. Natakam ako nang makita ko ang steak. Nakalimutan ko saglit na may kasama kaming dragon sa lamesa. Na anytime ay bubuga na siya ng apoy kapag may nagawa kaming hindi maganda.

Pero napanganga ako nang kinuha ni Puppy Gaston ang plato ko saka hiniwa niya ang steak. Pagkatapos ay ibinalik niya iyon sa harapan ko.

"Sa...Salamat po." This time nautal na ako. Hindi ko kasi alam kung paano pakikitunguhan si Puppy Gaston. Paano kasi hindi naman niya ako kinakausap pero todo asikaso naman siya sa akin.

Against the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon