CHAPTER 14

13K 935 276
                                    

Cold Shoulder

INIIWASAN kong mapag-isa kasama si Señorito Gaston. Dinala ko siya rito sa bahay para sina Nanay na ang mag-entertain sa kanya. Kahit ganito lang ako ay hindi ako assuming, pero kanina ko pa ramdam na parang sinusundan niya ako ng tingin.

"Kay tagal mo ring hindi nagawi rito, Señorito. Mabuti nakapasyal ka," ani Nanay.

"Baka magtagal ako rito, Manang. Marami kasing aayusin sa negosyo."

Tumango-tango si Nanay.

"Nasa condo pa po ang mga pasalubong. Ihahatid ko na lang dito bukas," aniya pa.

"Naku, nag-abala ka na naman, Señorito. Isa pa baka busy ka, kaya papapuntahin ko na lang doon bukas si Divina," suhestiyon ni Nanay. Nanlaki ang mga mata ko.

"That would be better para makita niya rin po ang mga unit doon," mabilis naman niyang sang-ayon.

"Kung gano'n ay dito ka na maghapunan kung hindi ka naman nagmamadali."

"Nay, maaga pa kaya. Pasado alas singko pa lang. Mamaya pa tayong alas siete kakain ng hapunan. Busy 'yan si Señorito for sure—"

"I would love to join you to dinner, Manang. Na-miss ko po ang luto ninyo," putol ni Señorito sa sasabihin ko. Lihim akong napairap.

"Kung gano'n tapusin ko lang ang pagluluto. Divina, kausapin mo muna si Señorito," ani Nanay. Aba, pati nanay ko ayaw makipag-cooperate sa pagmo-move on ko.

"Can you take me for a stroll? I missed the fresh air. Gusto ko sanang mamasyal sa tabi ng dagat," aniya.

Umiwas ako ng tingin. Bakit parang ang lambing ng boses niya kahit baritono iyon?

"Divina, samahan mo na si Señorito. Minsan lang magawi iyan dito," utos ni Nanay.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Tipid akong ngumiti saka lumabas ng bahay. Sumunod naman sa akin si Señorito. Iniiwasan kong magtagpo ang mga mata namin dahil pakiramdam ko ay hinihugot niya ang kaluluwa ko.

Hindi ako umimik hanggang sa makarating kami sa dalampasigan, pero pansin kong parang gusto niya akong sabayan sa paglalakad. Pero binibilisan ko ang paghakbang ko para magkaroon kami ng distansya.

Banayad ang paghampas ng alon kaya parang ang tahimik. Bigla akong na-awkward sa presensya ni Señorito. Bakit gano'n? Dati parang hindi naman ako nai-intimidate sa kaniya, pero ngayon parang ayaw kong huminga para lang hindi niya maramdaman ang presensya ko.

"How have you been?" pagbabasag niya sa katahimikan. Ramdam ko pa rin ang paninitig niya ka itinuon ko ang mga mata ko sa dagat.

"Okay naman po," tipid kong sagot.

Katahimikan ulit.

Sana pala ay dinala ko si Bambi para may makakalaro ako habang sinasamahan ang bisitan namin habang naglalakad.

"I heard you passed the licensure exam. Congratulations!"

May himig ng paghanga ang boses niya. Pero hindi ko pa rin siya tiningnan.

"Salamat po. Sinuwerte lang."

"That wasn't luck. It was a fruit of your hard work," pagtatama niya.

Hindi ako umimik, bagkus ay mabilis ko lang siyang sinulyapan at tipid na nginitian. Malamang kay Timothy niya nalaman ang pagkakapasa ko sa LPT. Tsismoso talaga ang payatot na iyon.

Lumulubog na ang araw kaya ang gandang pagmasdan ng pagkakahel ng kalangitan.

"I'm glad to see you've grown up into a fine lady," seryosong sabi niya.

Against the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon