CHAPTER 34

13.2K 696 193
                                    

The Fickle Boss

NAG-INIT ang magkabilang pisngi ko. Hindi ko inaasahang hahawakan niya ako. Pero agad kong binawi ang kamay ko nang mapansing blangko ang kanyang mukha.

Marahan naman akong hinila ni Vanessa patayo dahil nasa gilid ko lang siya.

"Patingnan natin sa clinic. Halika na," aniya.

"Ah! Aw!"

Napangiwi na naman ako nang hinawakan niya ako sa likod. Inaalalayan niya kasi akong maglakad.

"Bakit? Meron din bang masakit sa likod mo? Diyos ko! Ano ba kasi ang nangyari sa 'yo?" nag-aalalang usisa niya.

"Ano kasi... May sinagip akong bata na muntik nang mahagip ng sasakyan sa kalsada. Kaya lang namali ako ng hakbang sa katataranta ko kaya ayon," mahinahong paliwanag ko.

"How can you be so careless?!"

Muntik na akong mapatalon dahil sa pagtaas ng boses ni Puppy. Bahagya naman siyang tinapik ni Sir Joefel sa balikat na parang pinapakalma niya iyon.

"Wa...Wala lang 'to, Sir."

Parang natauhan naman siya at agad na tumayo nang matuwid. Namulsa siya.

"Vanessa, send her to the clinic," hindi nakatinging utos niya.

"Yes, Sir."

Napaiwas ako ng tingin nang binalingan ako ulit ni Puppy. Mukha talaga siyang galit. Siguro dahil masyado na akong nakakaabala. Parang wala na yatang pag-asang magkausap kami nang mahinahon.

"Naku naman, girl! Hindi ka nag-iingat," ani Vanessa.

"Tara na," mahinang sabi ko sa ka humawak sa braso niya.

"Hold on."

Napatigil kami ni Vanessa sa paghakbang nang magsalita si Puppy. Nagda-dial siya sa cellphone niya.

"Let's go to the hospital instead," aniya saka hinila ako palabas ng floor.

Napasunod ako nang wala sa oras. Nilingon ko si Vanessa na nakanganga lang. Si Sir Joefel naman ay tumango. Ang mga empleyado naman ay nanlalaki ang mga mata habang sinusundan kami ng tingin. Tiyak na nagulat sila na nasaksihan nila. Mukhang tama nga si Vanessa na magiging topic ako ng tsismis kapag nagkataon.

"Teka. Teka lang, Sir. Ayaw ko po sa ospital. Ayaw ko sa injection, ah! Galos lang 'to."

Hindi niya ako sinagot. Dire-diretso niya lamang akong hinila papasok sa elevator. Seryoso, ayaw ko nang bumalik sa ospital dahil ayaw ko nang maalala ang mga hindi magandang nangyari sa akin nitong mga nakaraang linggo.

Pagkalabas namin sa lobby ay nakaparada na ang sasakyan. Bumaba si Kuya Presto saka pinagbuksan ako sa kabila. Sumakay naman si Puppy sa driver's seat.

Hindi ako makapagsalita dahil pakiramdam ko naumid ang dila ko. 'Yong mukha kasi ni Puppy parang sasabog anytime kapag nagsalita ako o gumawa ng ingay. Nahigit ko ang aking hininga nang bigla siyang dumukwang sa akin.

Hindi kaya concerned siya sa akin kaya dadalhin niya ako sa ospital. Napapapikit ako dahil ang lapit ng labi niya sa akin. Natauhan lang ako nang may marinig akong nag-click. Pagkadilat ko ay nakabalik na siya sa upuan niya.

Hopia. Kinabitan lang pala ako ng seatbelt. Umasa naman akong iki-kiss niya ako.

Nasapo ko na lang ang ulo ko at patay-malisyang ibinaling ang tingin ko sa labas ng bintana. Nakakahiya naman ng iniisip ko!

Pinaharurot niya ang sasakyan na parang may hinahabol na flight. Pigil na pigil kong mapadikit ang likod ko sa upuan dahil baka humapdi na naman.

Wala pang 20 minutes ay humimpil kami sa tapat ng isnag private hospital. Nauna siyang bumaba. Agad ko namang tinanggal ang seatbelt ko at binuksan ang pinto sa gilid. Nagulat pa siya nang pababa na ako pagkatapos niyang umikot para sana pagbuksan ako.

Against the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon