CHAPTER 15

15.1K 786 187
                                    

 First Kiss

AMPON nga lang siguro talaga ako. Paano ba naman kasi ipinamimigay na ako ng mga magulang ko kay Kuya Gaston. Ipinagtulakan nila akong tanggapin ang offer niya na maging assistant nito sa loob ng isang buwan. Kaya heto at wala akong nagawa kundi ang mag-empake ng mga gamit dahil sa condo raw muna ako titira pansamantala. Kahit malapit lang naman ang bahay namin, isang sakay lang.

"Huwag kang tatanga-tanga roon. At huwag kang pasaway, Divina. Pakinggan mo lagi ang mga payo sa 'yo ni Gaston," bilin ni Nanay.

Sa totoo lang ay ilang beses na niyang sinabi iyon. Naririndi na nga ako, e. Hindi na lang ako sumagot at sumunod na lang habang isinasakay sa kotse ang maleta ko.

Napatingin ako kay Bambi dahil bigla itong kumahol. Binigyan niya ako ng bakit-mo-ako-iiwan look.

"You can bring her with you, para hindi mo siya ma-miss," biglang sabi ni Kuya Gaston. Hindi ko napansing nasa tabi ko na pala siya. Kinuha niya si Bambi saka ibinigay sa akin.

"Salamat po."

Kinarga ko si Bambi saka tumingin kina Nanay.

"Nay, alis na po ako."

Malapad ang ngiti ng nanay ko na animo'y nakahinga siya nang maluwag kasi aalis na sa wakas ang pasaway niyang anak.

"Mag-ingat kayo," bilin pa ni Nanay. Akala mo naman mangingibang bansa kami, e.

Pinagbuksan ako ni Kuya Gaston ng pinto ng kotse. Kaya atubiling sumakay ako. Sumulyap pa ako ulit kina Nanay bago pumasok.

Pagkapasok ni Kuya Gaston sa driver's seat ay halos pigilin ko ang hininga ko. Amoy na amoy ko kasi ang matapang niyang pabango. Pero iyong klaseng tapang hahanap-hanapin mo dahil masarap samyuin.

Ipinilig ko ang ulo ko. Ano na naman ba itong naiisip ko?

Nagulat ako nang dumukwang siya kaya napapikit ako. Naamoy ko ang hininga niyang mabango. Akala ko ay hahalikan niya ako, iyon pala ay ikinabit niya lang ang seatbelt.

Napangiwi akong idinilat ang kabilang mata ko. Karga-karga ko kasi si Bambi kaya nawala sa isip kong ikabit iyon. Nag-init tuloy ang magkabilang pisngi ko nang mapansing kong ngumiti nang bahagya si Kuya Gaston. Hindi kaya nahulaan niya ang nasa isip ko?

Tumikhim ako saka umayos ng upo. Pero napanganga ako nang hinubad ni Kuya Gaston ang suot niyang jacket saka itinakip iyon sa kandungan ko. Nagtatakang tiningnan ko siya.

"Your shorts are too skimpy," aniya.

Napatingin tuloy ako sa suot ko. Ganito naman talaga palagi ang suot ko sa normal days. Maong shorts saka T-shirt. Saka hindi naman maikli kasi abot hanggang kalahating hita ko. Iyon nga lang ay bahagyang tumataas sa tuwing umuupo ako.

"Thanks po," nasabi ko na lang.

Pansin ko ngang naging seryoso siya mula nang umalis siya kagabi sa bahay. Bumalik siya ngayong araw para ihatid ang mga pasalubong at para na rin sunduin daw ako. Dito nga ulit siya kumain ng almusal pati na ng pananghalian. Pinanindigan niya talagang pamilya raw kami. Umangal ako noong una pero dahil ipinagtulakan ako ng nanay ko ay wala na akong nagawa.

Hindi ko siya kinausap habang nasa biyahe. Buti na lang talaga at kasama ko si Bambi kaya hindi ako na-aw-awkward sa sitwasyon namin. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip nitong señorito. Ano kaya ang trip niya at naisipan niya akong gawing assistant? Akala naman niya papayagan siya ulit na maging close kami. Hindi na, 'no. Kasi for sure aalis na naman siya kapag sobrang close na namin.

"Are you sure na wala kang nakalimutan?" pagbasag niya sa katahimikan.

Napasulyap tuloy ako sa kanya saglit bago muling ibinalik ang paningin ko sa unahan.

Against the WindWhere stories live. Discover now