CHAPTER 29

12.1K 586 118
                                    

When It Rains, It Pours


"KUMUSTA ka rito? Hindi ka ba nahihirapan?"

Ngumiti ako nang tipid sa tanong ni Ate Angelica. Kagagaling lang niya sa eskuwelahan pero dumaan pa siya rito para bisitahin ako.

"In fairness naman, Ate. Akala ko ay mahihirapan ako. Hindi naman pala gano'n kahirap na mag-isa. Parang nasanay na nga ako," pasisinungaling ko.

Ang totoo'y araw-araw kong nami-miss si Puppy. Pinaglilihian ko rin yata siya.

Mahigit dalawang buwan na ako rito sa apartment kung saan ako lumipat. Komportable naman ako. Mabuti na lang at nakahanap ako ng home-based job. Nagtu-tutor ako ng mga bata online. Kadalasan ay mga Korean at Japanese children ang tinuturuan ko. Bumili ako ng laptop at iyon ang ginagamit ko. May internet connection naman kasi rito.

Masyadong mahal ang cost of living dito kaya naubos din ang mahigit isang daang libong laman ng ATM ko. Mabuti na lang at saktong na-hire ako kaya may pantustos ako sa pang-araw-araw kong pangangailangan. 

"Nagtatanong si Nanay, kailan ka raw ba bibisita sa bahay?" ani ate sabay upo sa sofa.

Kinuha ko ang bitbit niyang paperbag at tiningnan ang laman. Natuwa ako nang makitang baked mac iyon. Gustong-gusto ko rin kasi iyon.

"Busy pa ako, Ate. Medyo loaded ako ngayon."

Inikutan niya ako ng mga mata. Mabuti na lang talaga at tinutulungan ako ni Ate Angelica, kung hindi ay baka napauwi na ako sa amin.

"Kailan ka pa bibisita kapag halatang-halata na ang tiyan mo? O baka naman gusto mo pang si Nanay na mismo ang bumisita sa 'yo rito?"

"Hayaan mo, Ate. Pupunta ako sa weekend. Bibili lang ako ng pasalubong para kay Tiyang."

Nakita ko ang pagguhit ng lungkot sa mga mata ng pinsan ko. Napatigil ako nang hinawakan niya ako sa dalawang kamay.

"Ano na ang balita sa ama niyan?" tanong niya sabay nguso sa tiyan ko.

Napaiwas ako ng tingin. Ayan na naman siya. Sa tuwing pumupunta siya rito ay kinukulit niya ako tungkol ama ng baby ko. Lagi niya akong tinatanong ng buong pangalan ni Puppy pero hindi ako nagtangkang magbigay ng kahit maliit na detalye dahil baka totohanin niya iyong sinabi niyang siya na mismo ang maghahanap. Madali niya pa namang mahahanap ang pangalan ni Puppy. Isang search niya lang sa internet ay mahahanap niya agad iyon.

"Oy, ano na? Bakit hindi ka makaimik? Huwag mong sabihing wala pa rin? Baka naman wala ka talagang balak ipaalam sa ama niyan ang tungkol sa ipinagbubuntis mo? Naku, Divina, sinasabi ko sa 'yo, hindi na kita mapagtatakpan sa mga nanay natin."

Halatang desido talaga siyang hanapin si Puppy. Pero tiyak na magugulat siya kapag nakilala niya iyon.

"Isang buwan na lang ang natitira sa palugit ko sa 'yo. Wala ka pa rin bang balita? Imposible naman 'yan," hirit pa niya.

Napabuga ako ng hangin. Bigla akong na-stress. Wala naman kasi talaga akong balak pang sabihin sa ngayon ang tungkol sa ipinagbubuntis ko. Pero hanggang kailan ko nga naman mapapanindigan ang kasinungalingan ko? Ang alam kasi nina Nanay ay teacher na ako ngayon sa isang eskuwelahan. Well, teacher naman talaga ako technically. Iyon nga lang ay sa online tutor lang. Kapag nabuking ako nina Nanay ay baka hindi lang palo sa puwet ang aabutin ko.

"Ang totoo kasi niyan, Ate, ikakasal na siya sa iba. Baka nga kasal na sila ngayon."

"Ha?!"

Halos mabingi ako sa lakas ng boses ni Ate Angelica. Niyugyog niya ako sa balikat pero agad niya rin akong binitiwan nang maalala niyang buntis ako.

Against the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon