CHAPTER 19

13.7K 624 73
                                    

Office Romance

"MAY something ba kayo ni Sir Gaston?" nangingiting tanong ni Vanessa. Kanina pa niya ako kinukulit na magkuwento. Parang mas kinikilig pa siya sa akin sa lawak ng ngiti niya. Lihim akong napangiwi.

In fairness, kahit second day ko pa lang ngayon sa trabaho ay parang close na kami. Madali kasi silang pakisamahang lahat.

"Oy, kuwento ka naman. Halata kayang may namamagitan sa inyo. Kung nakita mo lang kung paano ka tingnan ni Sir Gaston. Parang sinasabi niyang, akin lang ang babaeng ito! Eeeh!"

"Shhh! Oy, baka marinig ka ni Sir Joefel!"

Tinakpan ko ang bunganga ni Vanessa. Ngumisi lang siya pagkatapos niyang tanggalin ang kamay ko.

Inihatid kasi ako kanina rito ni Puppy hanggang sa floor namin. Tapos nag-usap sila ni Sir Joefel sa opisina nito. Dahil dito sa labas ang cubicle namin ni Vanessa ay wala kaming ideya sa pinag-usapan nila. Umalis din naman kaagad si Puppy at pumasok sa opisina niya.

"Ano? Kayo ba ni Sir Gaston?" pabulong na tanong ni Vanessa.

Napabuntonghininga na lang ako saka marahang tumango.

Tumili naman siya nang walang tunog saka sinundot ako sa tagiliran kaya napatalon ako.

"Kailan pa? Paano kayo nagkakilala? Paano ka niya niligawan? Paano mo siya sinagot?" sunod-sunod niyang tanong na nagpanganga sa akin. Nag-peace sign lang naman siya.

"Sorry na, kinikilig ako sa inyo. Hindi ko mapigilan, eh. Magkuwento ka kasi," pangungulit pa niya.

Napailing na lamang ako. "Mahabang kuwento, e."

"Okay lang. Marami naman akong time makinig," aniya sabay kindat sa akin.

"Seriously?" Napa-roll eyes ako.

"Seryoso nga. At saka alam mo bang usap-usapan kahapon ang nangyari sa 'yo? Tumawag kasi si Sir Gaston kay Sir Joefel na nahimatay ka raw kaya hindi ka na makababalik ng trabaho. Ipinahatid pa nga sa akin ang bag at cellphone mo roon sa unit ni Sir Gaston. Eeeh! Nagulat talaga ako nang malaman kong nando'n ka sa unit niya!" mahabang litanya niya.

Naku, kung alam mo lang na sa unit niya mismo ako nakatira.

Gusto ko sanang sabihin iyon kaya lang tiyak na uusisain niya na naman ako. Wala sa sariling napangiti ako. Hindi pa rin ako makapaniwalang kami na nga talaga ni Puppy. Para pa rin akong nananaginip hanggang ngayon.

"Lakasan mo pa kaya ang boses mo para marinig sa kabilang building?" suhestiyon ko.

Tumawa lang si Vanessa.

"Ito naman, ang KJ. Siyempre, sino ba naman ang hindi maiintriga, e bago ka pa man pumunta rito ay may bumaba nang memo na magtatrabaho ka raw rito. Tulungan ka raw namin na matutunan ang pasikot-sikot dito."

Namilog ako. "Seryoso?"

Sunod-sunod na tumango si Vanessa. "Nagtaka nga rin ako. Iyon pala love of his life ang papasukin ni Sir Gaston dito. Grabe, nakakakilig!"

Feeling ko tuloy mukha na akong kamatis ngayon. Kahit hindi ko kasi tingnan ang sarili ko sa salamin ay tiyak na nagba-blush ako.

"Pero one month lang naman ako rito. Aalis din ako kasi magtuturo ako. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang magpa-assist sa inyo. Kung iisipin nga ay dapat inuutusan ninyo ako."

Bigla akong nakonsensya dahil ramdam ko ang special treatment nila sa 'kin. Ayaw ko namang mag-adjust silang lahat sa akin dahil lang sa girlfriend ako ng boss. Kahit ganito lang ako marunong naman akong lumugar, 'no.

Against the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon