Prologue

16.4K 303 57
                                    

Prologue

"Little girl, can I touch you?" he asked me using a pleasing voice.

"No," matigas ang aking boses nang sagutin ko siya.

Hinarap ko siya, puno ng pandidiri ang mukha.

"Come on. I need you. I couldn't sleep, Tifanny." Napapikit ako nang banggitin niya ang pangalan ko.

Pigil ko ang hininga ko habang kaharap ko siya. Gusto ko nang bumigay sa alok niya pero pinipilit ko ang sarili kong magpakatatag at wag magpatukso sa kanya.

Hindi pwede. Ayoko. I'm not a slut!

Lumapit siya at sinadya niyang idikit ang katawan niya sa akin. Napamura ako sa aking isip.

"You're my medicine. You know that."

He looked at me like he was ready to eat me alive. Pinantayan ko ang klase ng titig niya sa akin. Hindi ako magpapatalo sa isang katulad niyang walang ibang ginawa kung di ang gumawa ng mga masasama.

Kung matapang siya, matapang din ako. Kung malakas siya, malakas din ako. Kung ginagago niya ako, mas gagaguhin ko siya!

Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay. Bahagya ko siyang tinulak palayo sa akin.

"What are the benefits if I let you touch me?" I asked him.

Nanliit ang mga mata niya. "You will enjoy—"

"I don't want to enjoy. I need money," I cut him off.

Pagkasabi ko noon ay parehas kaming natigilan. Rumehistro sa utak ko ang mga salitang lumabas sa bibig ko.

Dammit! Shit! Bakit ko sinabi iyon? Baka isipin niyang mukha akong pera!

I stayed still when he leaned forward at me and showed me his wicked grin.

"I know you fucking need money," he stated.

"Yes! I fucking need money!" I blurted.

Napairap ako nang malakas siyang tumawa. Damn him! Sana ay mamatay na ang lalaking 'to! I hate him to death but I need him! I need his wallet! I need his money!

Alam kong masama at marumi itong gagawin ko pero kailangan ko ng pera para maipagpatuloy ko ang pag-aaral ko ng kolehiyo. Gusto kong ipakita sa mga magulang ko na kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa. Hindi ko kailangan ng suporta nila at pera ng ate ko. Kaya kong paaralin ang sarili ko gamit ang sarili kong kakayahan.

But hell, wala akong mahanap na trabahong kayang magpasahod ng malaki sa isang katulad kong estudyante pa lang. Kailangan ko ng malaking perang pambayad ng tuition fee para makapag enroll na ko. Sa susunod na buwan na ang pasukan. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nahinto ako sa pag-aaral. Ikababaliw ko iyon! Anong mukha na lang ang ihaharap ko sa mga magulang ko? Sa ate ko? Pagkatapos kong lumayas, babalik din pala ako sa kanila nang wala man lang napatunayan?

Mariin kong tinitigan si Jin Ichijo na patuloy pa ring humahalakhak. Mukhang nawala na siya sa kanyang sarili. Mas nauna pang nabaliw sa akin.

I sighed. I know I can do this. I will graduate and have a stable work. I will survive with the help of this sinful man in front of me.

"You can touch me anywhere you want but..." I trailed off. "You need to pay."

Natigil siya sa paghalakhak. Tumaas ang kilay niya.

"Are you a prostitute, little girl?" tanong niya sa nanunuyang boses.

Nagsiklab ang inis sa buong pagkatao ko. "Darn, no. Kailangan ko lang ng pera. Kung ayaw mo, eh, di wag. Maghanap ka na lang ng slut sa club."

Sa inis ko ay binangga ko ang balikat niya at nilagpasan siya. Mabilis at mahigpit niyang hinawakan ang braso ko para mapigilan ang aking pag-alis.

"Fuck, okay. I will pay. Just let me touch you. I want to sleep. You are my medicine, little girl."

Kumurba ang mapaglarong ngisi sa labi ko. Sa wakas ay kikita na ko ng malaking pera sa mabilis pero maruming paraan.

Darn it! Desperada na ako!

Touch Me AnywhereWhere stories live. Discover now