Chapter 36

8.5K 203 28
                                    

Note: Ah! Pasensya na ngayon lang ang update at mukhang matamlay pa ang chapter na ito. Bawi ako sa susunod pa na mga chapters. Thanks.


Chapter 36

You And That Baby

Maga ang mga mata ko habang nakatingin ng masama kay Jin. Ilang oras pagkatapos niyang ikwento ang nakaraan niya ay naging malamig ang pakikitungo niya sa akin. Nagtatanong ako pero ang cold at tipid ng mga sagot niya. Nakakainis kaya lumayo ako. Baka sumama lang ang loob ko kapag naglambing pa ko sa kanya.

Busangot ang mukha ko habang tinitignan ko siyang tutok sa kanyang cellphone habang nakaupo at naka-crossed legs. Pasimple akong suminghap. Ang sama talaga ng loob ko. Kanina lang ay sweet kami sa isa't isa, ah? Dumaan lang ang oras naging ganyan na siya. Bumalik sa dati.

"Jin, nagugutom ako," pormal kong sabi kahit ang sama sama talaga ng loob ko.

"Dadating na sina Dominique. Hintayin mo sila. May dala silang pagkain," sagot niya nang hindi man lang ako sinusulyapan.

Sana sumabog ang cellphone mo at putukan ang mukha mong nakakainis!

Padabog akong humalukipkip. "Jin, may problema ba?" Bakit ang cold mo? Tss!

Kumunot ang noo niya. Halos tumalon pa ang puso ko nang sulyapan niya ko at magtama ang paningin namin.

"Wala." Pagkatapos niyang sumagot ay tinuon niya ulit ang paningin sa cellphone niya.

Mariin akong pumikit. Ayokong mag emote. Ayokong sumama masyado ang loob ko. Ayokong sumbatan siya at pagsabihan ng mga salita dahil lang gusto ko siyang lambingin ako. Gusto kong yakapin niya ako. Gusto kong mag-usap kami dahil tatlong buwan kaming hindi nagkita. Pero hindi ko magawa ang lahat ng gusto ko. May pumipigil sa akin... at ang bagay na iyon ay ang katotohanang ikakasal na siya. Naguguluhan ako at maraming tanong sa isip ko.

Paanong sa tatlong buwan na hindi kami nagkita ay pagbalik niya, may kasama na siyang babaeng pakakasalan niya?

Bakit binuntis niya pa ako kung ikakasal na siya?

Masaya ba siyang buntis ako at siya ang ama?

Pananagutan niya ba ako? Kung oo, paano na si Nao?

Malalim akong bumuntong hininga bago idilat ang mga mata ko. Umaasa akong pagdilat ko ay makikita kong nakatingin sa akin si Jin pero nasa cellphone pa rin niya ang kanyang mga mata.

"Jin..." malumanay na tawag ko.

Naghahanap talaga ako ng lambing niya... ng alaga niya... ng pagmamahal niya. Siguro hindi lang ako ang may gusto noon? Pati na rin siguro ang anak namin...

Nagkasalubong ang kilay niya at sinulyapan ako. Hindi siya nagsalita. Hindi rin ako nagsalita. Nagtiim bagang siya kaya napakagat ako ng labi. Bumilis ang tibok ng puso ko at kinabahan agad ako sa simpleng mariing titig niyang iyon. Naisip ko tuloy kung hindi ba ako buntis, ganito ang magiging reaction ko? Kasi naman... napaka-emotional at sensitive ko ngayon.

"What?" parang iritado niyang tanong.

Nakutkot ko ang tela ng maternal dress ko. Ano bang sasabihin ko? Kanina ang dami kong tanong sa isip ko pero ngayon kahit isa ay hindi ko masabi sa kanya.

"Bakit ang cold mo sa akin? Kanina hindi naman tayo ganito..." Napalunok ako. "Nagsisisi ka bang sinabi mo sa akin ang nakaraan mo?" nag-aalangan ko pang tanong.

Touch Me AnywhereWhere stories live. Discover now