Chapter 44

8.9K 209 19
                                    

Chapter 44

Koishiteru

Kinabukasan ay mabilis kaming umalis sa bahay nina Akiko at Ethan para pumunta sa base ng mga Ichijo. Kabadong kabado ako sa maraming dahilan. Una ay natatakot ako dahil mga Ichijo iyon. Mga yakuza sila galing Japan. Mga katulad ni Jin. Pangalawa ay natatakot ako sa magiging reaksyon nila kapag nakita ako. Lalo na't buntis ako at si Jin ang ama na ikakasal na kay Nao.

Anong gagawin nila kapag nakita ako? Papatayin ba nila ako? Hahayaan ba ni Jin iyon?

Hindi ko rin alam kung anong dahilan at pupunta kami roon. Paggising ko kanina ay sobrang tahimik ni Jin. Hindi ko siya matanong. Kung kausapin man niya ako, sobrang suplado niya at tipid magsalita. Hindi niya ako inasikaso kanina. Hindi siya sumabay sa pagkain sa amin. Nakakunot lang ang noo niya at parang malalim ang iniisip.

I wonder kung dahil ba sa binangungot siya kagabi o dahil sa sinabi kong dapat niyang puntahan at ipagdasal ang puntod ng pamilya niya, baka sakaling tigilan na siya ng pamilya niyang sundan sa panaginip niya. Hindi ko alam. Tinanong ko siya pero ang harsh ng mga salitang binitiwan niya sa akin. Wala akong nagawa kung di umupo na lang sa isang tabi at sumama ang loob. Hindi ko siya masigawan o matarayan dahil parang sobrang lalim ng iniisip niya, e.

Malalim ang buntong hiningang pinakawalan ko. Sumulyap ako sa katabing si Jin sa backseat ng kotse. Nagflashback sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Akiko nang maabutan niya akong nagdadrama sa isang sulok kanina sa bahay nila bago umalis.

"Are you sulking?" she asked while caressing her baby bump.

"Si Jin kasi parang wala namang pinagbago. Nandito na ako at iyong anak niya, magiging tatay na siya, pero ganoon pa rin ang asta niya sa akin. He's harsh. He looks like he doesn't care at me at all. He is not sweet either. Ewan ko. Akala ko may magbabago kapag nagkaroon na siya ng anak, hindi pala." Hindi ko maiwasang magbigay ng mapaklang ngiti kay Akiko.

She gave out a weak smile. "He cares for you. He loves you. I can feel it."

"Pero bakit ang lupit pa rin niya sa akin kahit may anak na kami?"

"Understand him. Lumaki siyang walang pakialam sa mga tao sa paligid niya, malupit, walang paki sa feelings ng iba. He's still adjusting. Siguro hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang may anak na siya at ikaw ang ina ng magiging anak niya. Hindi siya makapaniwala dahil may aalagaan at mamahalin na siya bukod sa Ichijo family."

Napamaang ako sa narinig. Hindi ko na magawang makasagot dahil natigilan talaga ako. Napansin iyon ni Akiko kaya nagsalita ulit siya.

"If you really love him, understand him. If he really loves you, then, he should change his self. You two should compromise, you know."

Napakurap ako nang hawakan ni Jin ang kamay ko. Gulat akong tumitig sa kanya.

"Let's go inside," sabi niya nang hindi nakatingin sa akin saka ako hinila palabas ng sasakyan.

Kanina pa pala nakatigil ang sasakyan sa isang malaking bahay. Iisang village lang nakatira sina Akiko at base ng mga Ichijo. Sa pinakadulo ng village ang base nila kaya kailangan pa naming bumyahe nang ilang minuto para makarating.

Napalunok ako. Hindi ko matingnan nang maayos ang base ng mga Ichijo. Bahay din naman siya kagaya ng mga nakita kong bahay dito sa Forbes Park. Walang pinagkaiba maliban sa mukhang mas malaki at malawak ito. May kakaibang aura rin akong nararamdaman. Tipong isang tingin pa lang ay alam mo nang may kababalaghang nangyayari sa loob.

Touch Me AnywhereDove le storie prendono vita. Scoprilo ora