Chapter 49

7.6K 170 14
                                    

Chapter 49

Promise

Hindi ako mapakalma nino man. Tuloy pa rin ako sa pag-iyak, halos wala nang lumalabas na luha sa mga mata ko at puro hikbi na lang ang nagagawa ko pero tuloy pa rin ako sa pag-iyak. Umaapaw ang kalooban ko sa iba't ibang emosyon. Tuwa, saya, kaba, takot, kilig, lungkot, at kung anu-ano pang emosyong pwedeng maramdaman ng isang tao. Sabay-sabay iyon at gusto na ng katawan kong sumabog na parang fireworks.

Walang salitang lumabas sa bibig ng pamilya ko. Nagwalk out si papa at sinundan siya nina Kuya JL at Kuya JB. Sina mama at ate ay ngumiti lang sa amin bago kami patayuin. Nasa sala ako kasama ni Jin habang patuloy umiiyak. Hanggang sa mag gabi ay patuloy akong inaalo ni Jin. Patawa tawa siya dahil para raw akong batang hindi binili ng gustong laruan. Hindi ko siya masagot o mapagsabihan dahil ewan ko, para siyang anghel sa paningin ko ngayon at ayaw ko siyang murahin o ano pa man. He was glowing like a beautiful and colorful butterfly in front of me.

Hanggang sa dumating na ang oras na pinaka ayoko. Ang oras nang kanilang pag-alis.

Ako lang ang naghatid sa kanila sa gate. Hindi pa rin umuuwi sina papa at ang dalawa kong kuya. Sinabi ko kina mama at ate na aalis na sina Jin at tumango lang sila at ngumiti. Mukhang gulat pa rin sila sa mga nangyayari. Hindi pa nila matanggap nang husto at buo ang lahat. Hindi ko sila masisisi. Bibigyan ko sila ng panahon para tanggapin si Jin. Ayokong mamilit.

Walang dalang gamit sina Jin dahil uuwi pa sila sa base ng mga Ichijo para kumuha ng mga kakailanganin nila. Tapos na akong umiyak pero patuloy pa rin ako sa paghikbi. Unti-unting natutunaw ang mga tuhod ko at hindi ko na ata kayang tumayo pa rito sa harap ng gate habang kaharap ko sina Jin at ang mga alagad niya.

Nakatungo lang ako, hinihintay na magpaalam si Jin.

I think I hate goodbyes now.

"I'll go now, little girl."

Mas lalo akong napatungo. "Oh. Sige. Bye." Halos mapamura ako sa sariling sagot.

Humalakhak siya. "Parang wala lang sa'yo ang pag-alis ko? Ilang araw, ilang linggo, at ilang buwan mo akong hindi makikita."

"Hindi naman ito ang unang beses na iiwan mo ako. Wala pa ngang paalam noon, e. Walang pinagkaiba ang mga iyon sa ngayon." Pinipilit kong maging normal ang boses ko. "Kahit wag ka nang magpaalam sa akin. Just... go."

No... Don't go...

Mas lalo siyang humalakhak. "Alright, little girl. Goodbye." Lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko. "I love you."

Doon ko na hindi napigilan, nag-unahang tumulo ang mga pinipigilan kong mga luha. Napaupo ako sa sahig at malakas ulit na umiyak. Napasinghap si Jin at naiwan sa ere ang kamay niyang kanina lang ay nasa ulo ko.

"Ayaw kong umalis ka kasi natatakot akong hindi ka na bumalik! Paano kapag may nangyaring masama sa'yo sa Japan? Paano kapag namatay ka? Huh? Jin Ichijo? Paano na kami ng anak mo rito?!" nagawa ko pang sumigaw kahit basag na basag ang boses ko.

Agarang umupo si Jin sa harap ko. Hinawakan niya ang baba ko at inangat para matingnan niya nang maayos ang mukha ko. Alam kong ang pangit pangit ko na dahil kanina pa ako umiiyak. Paniguradong namamaga at namumula na ang mga mata ko. Ang dungis ko na rin pero kung tingnan niya ako ngayon, kahit madilim, kitang kita ko sa mga mata niya ang sobrang adorasyon habang nakatingin sa akin. Like I'm the only thing that's beautiful in the world. That I'm the only one that matters to him.

Just... goddamit!

"Hindi ba't sinabi ko sa'yong isang salita pang ayaw mo akong umalis, hindi na talaga ako aalis?" Ngayon ay sinimulan niyang punasan ang mga luha ko gamit ang dalawang malaking kamay niya. "Hindi na ako aalis, Tifa."

Touch Me AnywhereWhere stories live. Discover now