Chapter 10

10.4K 220 24
                                    

Chapter 10

Submission

Sumama ako kina Dominique at Lei. Iba ang sasakyang gamit nila. Isang itim na BMW at hindi iyong van na palaging gamit nila.

Ang sabi nila ay nasa condo raw ang boss nila at hinihintay ako. I wonder why. Bakit gusto niya kong makita?

Tumikhim ako nang binuksan ni Lei ang pinto sa condo unit ni Jin. Nakita ko sina Ian doon at nang makita nila ako ay agad silang lumabas kahit hindi pa ko nakakapasok sa loob.

Nilahad ni Lei ang loob ng condo unit. "Pasok ka na, Tifa." Ngumiti siya.

Hindi ko sinuklian ang ngiti niya. Dumiretso ako papasok. Narinig ko ang pag click ng doorknob. Naabutan ko si Jin na nakatalikod sa akin. He was half naked and his curly hair was in a manly bun. Muntik na kong mapansinghap nang humarap siya. He's hot and sexy!

Umangat ang gilid ng labi niya. Lumapit siya sa akin. Napailing ako dahil muntik ko nang makalimutan ang dahilan kung bakit sumama ako rito. I need to kill him!

Sinalubong ko ang pagpunta niya sa akin. Hindi ko alam kung anong klaseng mukha ang napakita ko sa kanya habang sumusugod pero nakita ko ang paglaki ng mga mata niya. Nang makalapit ako sa kanya ay sinuntok ko ang panga niya. Hindi niya iyon inaasahan kaya hindi siya nakailag. Tumagilid ang ulo niya. Sinamantala ko ang pagkakagulat niya at sinapak ko ang tiyan niya. Naramdaman ko ang mainit niyang balat sa kamao ko.

Pero hindi iyon naging dahilan para mabawasan ang galit ko! Tatadyakan ko na dapat siya nang mahuli niya ang paa ko at pagalit na binaba iyon. Marahas niyang hinawakan ang magkabila kong braso at tinulak sa dingding. Napadaing ako sa sakit nang tumama ang likod ko.

Lumapit siya sa akin pero natadyakan ko siya sa tiyan. Napamura siya.

"Gago ka, Jin Ichijo!" galit kong sigaw at kinuha ang flower vase na nakadisplay sa gilid ko at binato iyon sa kanya.

Malakas niyang hinawi ang flower vase na papunta sa kanya gamit ang isang kamay niya. Sa iba tumama ang flower vase dahil sa paghawing ginawa niya. Ang lakas ng pagkakabasag noon at sigurado akong narinig ng mga alagad niya sa labas ang ingay na iyon.

"Fuck?!" Masama niya kong tinignan. "What's your problem?!"

Tinuro ko siya. "You! You're my problem! Bastard!" tinapatan ko ang galit niyang boses.

Galit na galit ang mukha niya. Bumuga ako ng hininga at napatawa. Siya pa ang galit ngayon?!

"Ang kapal ng mukha mo! Ikaw pa ang galit ngayon? Huh?" Mas lalong tumaas ang boses ko. "You kidnapped me! You sexually harassed me! Fuck you!"

Nanliit ang mga mata niya. "I thought you were fine with that? You were silent the whole time after I touched you!"

"Gago!" angil ko. "Sinong hindi matotrauma dahil sa ginawa mo?! You almost took my virginity! Stupid bastard! I'm not yours!"

Bumilis ang paghinga niya. Sinubukan niyang lumapit sa akin pero binato ko ulit siya ng flower vase na nasa gilid ko. May isa pang flower vase doon at balak kong ibato sa mukha niya iyon!

Parang wala lang sa kanya nang hinawi niya ang pangalawang flower vase na binato ko. Tumama ulit iyon sa ibang direksyon. Muntik na kong mapapikit dahil sa lakas ng pagkakabasag noon.

"Then be mine, little girl!" Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kwelyo ng damit ko. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung dahil sa sinabi niya o dahil sa kanyang ginawang paghawak sa kwelyo ko. "I will pay you!"

Touch Me AnywhereOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz