Epilogue

10.8K 232 10
                                    

Epilogue

"Jin! Ano ba! Umiiyak si baby Harry! Patahanin mo! Hindi pa ako tapos maligo!" malakas kong sigaw habang mabilis akong nagkukuskos ng buong katawan sa cr.

Damn that Jin! Naririnig na ngang umiiyak ang anak namin, hindi pa magkusang kargahin at patahanin!

"My hands are dirty, little girl! I can't let this innocent child to be tainted by me! I killed so many people! My hands are fucking dirty! Tainted by different types of blood! Just please, pakibilisan na lang ang pagligo mo at lumabas ka na diyan at patahin ang anak natin!" balik niyang sigaw.

Halos mawala ang mga itim sa mata ko nang umirap ako. Isang buwan na ang nakakalipas simula nang manganak ako ngunit kahit isang beses ay hindi hinawakan o kinarga ni Jin si baby Harry. He's a healthy baby boy. Sinunod namin ang pangalan niya sa totoong pangalan ni Jin. Sa unang tatlong araw simula nang isilang ang anak namin ay nanatili siyang tulala sa kawalan, ni hindi niya mahawakan at makarga man lang si baby Harry dahil panay ang excuses niyang masyadong marumi ang kamay niya para hawakan ang baby. Hanggang tingin lang siya.

He's an idiot but... hell. He's cute!

Napangiti na lang tuloy ako habang nagbabanlaw. Kinuha ko ang robe at mabilis sinuot iyon sa katawan ko at lumabas na ng cr. Nakita ko si Jin na nakadungaw sa crib at nakaawang ang bibig, titig na titig siya sa anak naming namumula na habang umiiyak.

"Hindi titigil iyan sa kakaiyak kung titigan mo lang! Hayop na 'to!" Tinulak ko siya palayo sa crib at ako mismo ang bumuhat sa anak namin. Pinatahan ko iyon at kinausap nang kung anu-ano. Nang hindi pa rin tumigil ay masama kong tiningnan si Jin na nakatayo lang sa tabi ko. "Magtimpla ka ng gatas! Bilis!"

Natataranta siyang sumunod sa akin. Nang mawala siya sa paningin ko ay malakas na akong tumawa. Mukhang tanga si Jin! Halatang walang alam sa pag-aalaga sa baby!

Tatawa tawa pa kong umupo sa kama bago pina-breast feed si baby Harry. Patakbong bumalik si Jin sa kwarto, hawak hawak ang boteng may lamang gatas. Nakita ko pa ang iilang butil ng pawis sa kanyang noo. Ngumiwi siya nang makitang pinapadede ko na ang anak namin sa breast ko. Mapang-asar akong ngumisi sa kanya.

He heaved out a long sigh. "Mag hired na kaya ako ng nanny?"

"Ayoko nga! Gusto ko tayo mag-alaga sa anak natin!" mariin kong sabi.

He grunted. "Babalik ka na sa pag-aaral. Kailangan ng mag-aalaga sa anak natin."

"Alam ko. Pero hindi pa ako ngayon babalik. Next year pa. Ungas ka. Kailangan ko rin magpahinga, 'no. Marami pa akong gagawin bago bumalik sa pag-aaral. Medyo tumaba ako at nawalan ng curves!" I pouted.

He rolled his green eyes. "You don't need to be sexy all the damn time. May asawa ka na. Hindi mo na kailangan magpaganda at magpasexy kung kani-kanino." Lumapit siya sa kama at nilapag ang bottled milk sa bedside table.

I smirked. "Ayoko nga. Kailangan bumalik ng dating Tifa, 'no. Ayokong bumalik sa FEU na losyang at mukhang pinagsawaan ng asawa."

He looked at me with an appealing smile. "Hindi pa ako nagsasawa sa'yo. At hinding hindi ako magsasawa sa'yo..." He bit his lower lip at pinasadahan ng malagkit na tingin ang buong katawan ko. Tumigil ang paningin niya sa breast kong dinedede ni baby Harry. Napapikit siya at mahinang napamura. "I want to suck your boobs too."

"Jin!" saway ko sa kanya, nagsisimulang mag-init ang mukha ko.

Dumilat siya at lumuhod sa harapan ko. Kagat kagat niya pa rin ang ibabang labi habang nakadungaw sa bared breast ko.

"It looks so healthy and yummy, little girl. I want to drink your milk too."

Nanlaki ang mga mata ko at sinipa siya sa tuhod. Napahiga siya sa sahig at malakas na tumawa.

Touch Me AnywhereWhere stories live. Discover now