Chapter 2

14.2K 215 25
                                    

Chapter 2

Friend

Katahimikan ang bumalot sa aming paligid pagkatapos ng pangalawa kong sampal. Nangilabot ako sa katahimikang iyon at pakiramdam ko ay ano mang oras ay may mangyayaring masama sa akin.

Malalim akong huminga. Tinignan ko ang nakatagilid na ulo ni Sir Jin.

"The first slap is for insulting me and calling me a little girl..." I trailed off. "And the second slap? Trip ko lang." Ngumisi ako.

Walang pasabing tinalikuran ko silang lahat. Bumigay ang tuhod ko sa di malamang dahilan pero pinilit kong lumakad palayo sa kanila.

Bumuga ako ng hininga nang makaalis ako sa parking space. Mabilis akong pumara ng jeep. Napahawak ako sa aking dibdib habang tinatawagan ang kaibigan kong pwedeng tumulong sa akin.

"Hello?" sagot ko nang sagutin niya ang tawag ko.

Napatingin sa akin ang isang lalaking nakasuot ng spirit shirt ng FEU. Tinaasan ko siya ng kilay nang ngumiti siya sa akin.

"Hello, Tifa?" sagot ni Marsha, ang kaibigan ko.

"Marsh..." Kinagat ko ang labi ko. Nakangiti pa rin sa akin 'yong lalaking taga-FEU. That smile was creeping me out. "Marsh, nakapatay ako..."

Lumuwa ang mga mata ng lalaking taga-FEU pagkatapos kong sabihin 'yon. Gusto kong humagalpak sa tawa sa naging reaksyon niya.

"What?!" gulat na gulat na tanong ni Marsha.

Tss. Hindi marunong makisakay.

"Pupunta ako sa inyo. Mamaya ko na ikukwento ang lahat ng nangyari..."

Pinilit kong mag poker face kahit natatawa na ko. Nakakainis! Hindi dapat ako natutuwa ngayon. Malaki ang problema ko. Kailangan ko ng pera!

Pinutol ko na ang tawag kahit daldal pa nang daldal si Marsha. Tinaasan ko ng kilay ang lalaking nakakunot na ang noo at nakatingin pa rin sa akin.

Apat lang kaming nasa loob ng jeep. Siya lang ang nakarinig sa sinabi ko kasi nasa harap ko siya at nakatutok ang buong atensyon niya sa akin.

Umiling na lang ako dahil hindi pa rin niya ko tinatantanan ng titig kahit sinabi kong nakapatay ako.

Malapit lang ang bahay nina Marsha. Bumaba ako sa street nila at nakita kong bumaba rin 'yong lalaking taga-FEU!

Masama ko siyang tinapunan ng tingin. Humalakhak siya.

"Nakapatay ka na?" Umiling siya, natatawa pa rin. "Ang lupit mo, Tifa..."

Nagulat ako nang banggitin niya ang pangalan ko.

"How did you know my name?"

He shrugged. "I know you just said that because I was staring at you. You can't fool me."

"How did you know my name?" tanong ko ulit.

"You're famous. Of course, I know you." He smiled. Oh.

Tumagilid ang ulo ko. "Why are you following me?"

Tumingin muna siya sa aking likod bago sinagot ang tanong ko.

"Dito ako nakatira," sagot niya na para bang ang tanga tanga ko.

Hindi ako sumagot dahil medyo napahiya ako. Tinalikuran ko na lang siya at nagsimulang maglakad. Tinungo ko ang daan papunta sa bahay nina Marsha.

Hindi ganoon kadilim ang street. Maraming tambay at maliwanag naman ang daan. May mga nakaparada ring mga tricycle na handang handang magsakay ng mga pasahero. Gusto ko sanang sumakay pero nagtitipid ako.

Touch Me AnywhereWhere stories live. Discover now