Chapter 19

9.6K 189 7
                                    


Chapter 19

One Hundred Years

This is my first time being here in the hospital. Simula nang bata ako, kapag nagkakasakit ako, hindi ako dinadala sa hospital o nagpapa-check up sa clinic. Gamot lang ang palaging panama sa sakit ko para mawala ito.

Hindi ko inakala na sa ganitong sitwasyon pa ko mapupunta sa hospital sa unang beses. A bandage was wrapped around my head. It made me uneasy and uncomfortable. Nakaupo ako at nakasandal ang likod at ulo ko sa headboard habang pinapanood si Louie, ang isa sa mga alagad ni Jin, na nagbabalat at naghihiwa ng apple para sa akin.

Louie has a fair skin and round eyes. Tatlong tattoo lang ang nakikita ko sa kanyang katawan. Isa sa kanang kamay at dalawa sa ilalim ng kaliwang tenga. Siya ang pinaka malinis at kaaya-aya sa paningin ko na alagad ni Jin dahil kaunti lang ang tattoo niya sa katawan. And he's gentle too. And kind.

"Ito na, oh..." Binigay niya sa akin ang platitong may hiwa-hiwang apple.

Bumukas ang pinto at agad akong napangiwi sa pulang buhok ni Ian. Kasunod niya sina Takeshi at Ryuuji. Ryuuji is the tallest among them. Mas matangkad pa siya kesa kay Jin.

Kinuha ko ang platitong may lamang apple at kinain iyon. Unfortunately, sila ang nagbabantay sa akin dito sa hospital. Kagigising ko lang kaninang tanghali. It's been two days since the incident happened. Dalawang araw na rin akong hindi nakakapasok sa school.

Naiinis ako dahil sayang ang perang nakukuha ko kay Jin para sa pag-aaral ko. Hindi ako nakakapasok at puro absents na ako. I don't want to fail. May gusto pa kong patunayan sa pamilya ko. Kung bumagsak ako, ano na lang ang sasabihin ng ate kong pinagmataasan ko pa? Ang papa at mama ko? Ang dalawa kong kuya na hindi man lang ako i-text kung okay ako?

Kung malaman kaya nila na nasa hospital ako at ang bumubuhay sa akin ay isang yakuza, anong magiging reaction nila? Anong gagawin nila?

"Where's Jin?" I asked Ian.

Sina Ian, Takeshi, Louie, at Ryuuji ang nagbabantay sa akin. Paggising ko kanina ay sila ang nadatnan ko sa loob ng kwarto. Hindi ko nakita si Jin o kahit sina Dominique.

"Wag ka na magtanong..." sabi niya. Napansin kong nasa tenga niya ang kanyang cellphone. "Okay ka lang ba?" tanong niya.

Tumaas ang kilay ko at kinagat ang apple. "Ano sa tingin mo? Mukha ba kong okay pagkatapos ng ginawa sa akin ng boss mo?"

"Tss! Sagutin mo na lang. Okay ka lang ba?" naiirita niyang tanong.

Mas nagmukha siyang bad boy sa pula niyang buhok. Napairap ako sa kanya at kay Louie na lang tumingin. Binigyan niya ako ng tipid na ngiti.

"Okay naman pero sumasakit pa ang ulo ko," sagot ko.

Bumuga ng hangin si Ian. "Sir Jin, okay naman daw siya pero sumasakit ang ulo niya," sabi niya sa kabilang linya.

So kausap niya si Jin sa kanyang cellphone. Where is he, by the way? Gusto ko siyang saktan dahil sa ginawa niya sa akin!

"Got it, Sir Jin. Dito lang kami sa loob ng kwarto niya. Babantayan namin siya," ani Ian at binaba na ang tawag.

Bumaling ako kay Louie. Nakaupo siya sa bangko na nasa gilid ng kama ko habang sina Ian, Takeshi, at Ryuuji ay nakatayo at nakasandal sa puting dingding ng aking hospital room.

"Bakit kayo lang ang nandito? Nasaan sina Dominique?"

Suminghap si Ian. Napatingin ako sakanya. "Bakit mo sila hinahanap?"

Touch Me AnywhereWhere stories live. Discover now