Chapter 35

8.9K 234 20
                                    

Chapter 35

Heal Me

Pagkatapos ng pangyayari sa pagitan naming tatlo nina Dart at Jin, agad umuwi si Dart dahil kailangan niya pang asikasuhin ang organization niya lalo na't katatapos lang pabagsakin ng Eastwood Mafias ang ilang organizations sa likod ng mga underground auctions.

Nang umalis siya sa dorm ko ay parang nag-aalinlangan pa siya pero binigyan ko na lang siya nang isang ngiti at sinabing kailangan din namin mag-usap ni Jin.

Nakaupo ako sa kama at kagat-labing nakatingin kay Jin. Nakasandal siya sa dingding at nakahalukipkip na tila sobrang lalim ng iniisip. Malalim siyang bumuntong hininga bago ako tinapunan ng tingin. Napatalon ang puso ko nang magtama ang mga mata namin.

"You rest. We will talk tomorrow," he said before storming out of my dorm.

Nataranta ako at mabilis na tumayo at hinabol siya. Bago niya mabuksan ang pinto ay hinablot ko ang kanyang white shirt na siyang kinagulat niya. Medyo nanlaki ang mga mata niya at umawang ang bibig nang mapatingin siya sa kamay kong nakahawak sa shirt niya.

Mariin akong napalunok. "Stay here."

Mamaya ko na iisipin ang pride ko. Gusto ko siyang makasama. Gusto kong mapag-usapan namin ang tungkol sa aming dalawa at pati na rin sa anak namin. Hindi lang para sa akin itong ginagawa ko. Pati na rin sa anak namin. I don't want to be selfish. Just for now, I will put aside my precious pride.

Hay, Jin. Ang sakit mo sa pride mahalin.

Nagkasalubong ang mga kilay niya. "You're creeping me out. You're weird today."

"Siguro dahil buntis ako? Ang emotional at sensitive ko kaya simula nang mabuntis ako." I smiled weakly.

Suddenly, he looked at my baby bump. "Okay. I will stay and we will talk... about that child."

"Your child," I corrected him.

Our eyet met and my heart started thumping painfully in my chest.

"Okay. My child."

"Our child," I corrected him again and then smiled.

Napabuga siya ng hininga. "You're really creeping the shit out of me. You're different now, little girl."

"Is that a compliment?" I teased.

He shook his head. "No. Just stating the facts."

Napanguso lang ako at napatitig siya roon. Gumalaw ang adam's apple niya senyales na mariin siyang napalunok. Ilang minuto na pero hindi pa rin niya tinatanggal ang paningin niya sa labi ko.

"Mag-uusap ba tayo o titignan mo lang ang labi ko?" Humalakhak ako.

His forehead creased before looking straight into my eyes. Hinawakan niya ang kamay kong nasa white shirt niya at hinila ako paupo sa sofa. Umupo siya roon kaya napaupo na rin ako. Bumuka ang bibig niya para magsalita pero bigla kong pinatong ang ulo ko sa lap niya at humiga. Tumingala ako para tignan siya at ayan na naman ang gulat at hindi makapaniwala niyang expression. Hmp! Ngayon niya lang ata ako nakitang sweet?

Malakas at mabilis ang pintig ng puso ko pero hindi ko nilubayan ng titig ang mga luntian niyang mata. Malalim akong humugot ng hininga. Ayoko nang pairalin ang pride ko. Ayoko nang umaktong bitch sa harapan niya. Ayoko nang magpanggap.

Sabihin ko na kayang mahal ko siya? O sa susunod na lang kaya? Hindi ko alam kung right time na ba ito para sabihin sa kanya. Dahan-dahanin ko muna kasi mukhang hindi pa rin maprocess ng kanyang utak na may anak siya sa akin.

Touch Me AnywhereWhere stories live. Discover now