Chapter 22

9.1K 173 4
                                    

Chapter 22

Abduction

Pick up, Zeff. Please... Pick up.

"Hello, Tifa?"

Napasinghap ako nang marinig ang boses niya sa kabilang linya.

"Zeff!" Parang nabawasan ang kaba ko nang marinig ang boses niya.

"Tifa, what's wrong with your voice?" he asked, worried.

"Don't worry about me. Nasaan ang pinsan mo?"

"Pinsan? Sinong pinsan?"

Kinagat ko ang labi ko. "Si Reo De Chavez. Nasaan siya ngayon?" Bakas sa boses ko ang kaba.

He hissed. "Bakit mo siya hinahanap, Tifa? May ginawa ba ang pinsan ko sa'yo? Tell me."

Hinilamos ko ang aking palad sa mukha ko. I have no time for his bullshits. I need to know where Reo is.

"Just tell me. Alam mo ba kung nasaan siya? Kailangan ko siyang makita."

"Bakit mo nga siya hinahanap? You, looking for my cousin, is new to me. Hindi naman kayo close, diba?"

Ginulo ko ang aking buhok at napairap. "Pwede ba, Zeff? Tama na ang tanong! Sagutin mo na lang ako kung nasaan siya! Alam mo ba? Kung hindi mo alam, wala na kong dahilan para kausapin ka..."

"Wait, Tifa! I know where he is, alright? Stay calm..."

Fuck. How can I stay calm if I know Reo is in danger! Hindi kami close pero nakakakonsensya dahil alam kong may mangyayaring masama sa kanya tapos wala akong gagawin. And he is Zeff's cousin too. I can't let him die.

"Nasaan siya?" naiinip kong tanong.

"He's in Horizons with his friends. He invited me to come with him but I refused."

"Okay. Thanks."

"Wait! Bakit mo ba siya hinahanap?"

Oh my God. Ang kulit niya po talaga.

Binaba ko na ang tawag. Mabilis akong nagpalit ng damit. Napili kong magsuot ng white casual dress at pinatungan ko ito ng denim jacket. Hinanap ko ang wallet ko at nakitang kaunti na lang ang pera ko. Hindi pa ako binibigyan ng pera ni Jin!

Kahit nanghihinayang akong mag taxi, wala akong magawa kung di sumakay dahil sa sobrang pagmamadali ko. Habang nasa byahe, hiningi ko ang number ni Reo kay Zeff. Sobrang kulit niya at tanong nang tanong kung anong meron. Aniya ay pupunta rin siya sa Horizons para sa akin.

I tried calling Reo's number but it's busy!

Nakarating na ako sa Horizons. Inayos ko ang aking buhok bago pumasok. Pinakita ko ang ID ko sa dalawang bouncer na nagbabantay sa entrance. Napatakip agad ako sa aking ilong nang may kakaibang amoy akong nalanghap. Sinubukan kong hanapin si Reo sa dagat ng mga taong nagsasayaw sa dance floor. Pero kada lingon ko, parang umiikot ang paningin ko.

I was stucked in the middle of the dance floor. Ang mga neon lights sa itaas ay mas lalong nagpadagdag sa pagkahilo ko. Even the beats of music didn't sound appealing to me. I shut my eyes closed for awhile. Dammit! Ang mga usok sa paligid ay hindi lang basta galing sa mga sigarilyo. This smoke came from something... like Marijuana.

Pinilig ko ang ulo ko at umalis sa dance floor na nahihilo. Pumunta ako sa bar counter at umupo sa isa sa mga stool doon. I put my arms on the glass table and tried to compose myself.

What's gotten to this club?

"Hi, Ma'am... Wanna have a drink?" masiglang tanong sa akin ng bartender.

Touch Me AnywhereWhere stories live. Discover now