Chapter 34

7.9K 205 9
                                    


Chapter 34

Green-eyed Yakuza

Natigilan si Jin nang makita niya ang pagtutubig ng mga mata ko. Medyo umawang ang bibig niya at buong atensyon siyang tumitig sa mga mata ko na para bang binibilang niya kung ilang beses na akong kumurap.

I missed this green-eyed yakuza. My God... Gusto kong tumakbo at yakapin siya pero nanigas ang mga paa ko.

Maya-maya lang ay narinig ko ang pagtahol ni Saint at paglapit nito kay Jin. Sumampa ito sa baywang niya at inamoy siya nang buong puso. Wow. Buti pa siya naaamoy niya si Jin. Gusto ko rin siyang amuyin.

"Saint, sit down..." baritonong boses ang lumabas sa bibig ni Jin.

Agad sumunod si Saint na tila naintindihan niya ang utos ng amo niya at umupo sa tabi ni Jin at patuloy pa rin sa pag-amoy sa kanyang sapatos. Hindi nawala ang matinding titig ni Jin sa mga mata ko. Medyo naninibago pa ako sa pagmumukha niya kasi hindi ko na makita ang mahaba at kulot niyang buhok.

Napalingon kami sa pinto ng dorm room ko nang bigla iyon bumukas. Niluwa nito ang isang maputi, matangkad, at payat na babae. Sa kabila ng pagiging payat niya ay may curves pa rin ang katawan niya. Maganda siya at mas lalong nahulma ang kagandahan niya dahil sa full bangs niya. Ang itim at tuwid niyang buhok ay umaabot sa pang-upo niya.

Bigla tuloy akong napahawak sa buhok ko. Mas maganda at makintab kasi iyong sa kanya. Nakakainggit.

"Oh, Saint! Where have you been?" Umupo siya at hinawakan si Saint. I frowned. Ako at si Jin lang ang pwedeng humawak sa kanya. "We came here to pick you up but you were not here."

I frowned even more. Bakit niya kinakausap si Saint? At anong sabi niya? Kukunin niya si Saint? No way!

Hindi nawala ang titig ni Jin sa akin kaya medyo nailang ako. Parang hindi pa rin siya tumitigil sa pagbibilang kung ilang beses na kong kumurap.

Napatingin sa direksyon namin iyong babae. Tumayo siya at tumingin sa aking likod.

She raised her brow. On point pa ang eyebrows niya. "Dart Eastwood?" namamangha niyang tawag sa lalaking nasa likod ko.

Nanatiling tahimik si Dart. Parang hindi niya gustong nandito ang babaeng iyan. Pano ko nasabi? Feeling ko lang.

Napunta sa akin ang mga itim na mata noong babae. Pati ang mga mata niya ay itim na itim. Ano bang lahi nito at parang gusto kong magpa-convert?

She studied my face and then her gaze went to my tummy. She slightly gasped.

"Oh my gosh? Dart, is she your girlfriend? And she's pregnant?" Ngumisi ang babae sa akin. Nagtama ang mga mata namin at sumimangot ako. "Congratulations!" masaya niyang bati.

Sino ba ang babaeng ito? Bukod sa naiinggit ako sa buhok at mga mata niya ay sobra akong naiirita sa presensya niya.

Nagtaka siya dahil nanatili kaming tahimik ni Dart. Palipat-lipat ang tingin niya at mukha siyang tangang walang alam sa nangyayari. Tanga! Hindi ako girlfriend ni Dart at si Jin ang tatay ng anak ko!

She pouted before turning her gaze to Jin. And oh fuck, nanatili pa rin ang mga luntiang mata ni Jin sa akin. Mas lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko. Lumubog na ang mga paa ko sa sahig.

Nagtaka ang babaeng iyon nang mapansin niyang titig na titig sa akin si Jin kaya nakasimangot siyang sumulyap sa akin. Mas lalo akong napasimangot. Sarap niyang sabunutan! Ewan ko pero naiirita ako sa kanya! Para siyang walking ball of frustration na nakaharang sa aking harapan at hindi iyon maganda para sa akin! Nakakatakot at baka mapaglihian ko pa ang babaeng ito. Maganda naman siya pero hindi pwede. Dapat sa akin magmana ang bata.

Touch Me AnywhereWhere stories live. Discover now