Chapter 42

8.2K 170 28
                                    

Chapter 42

His Heart Hurts

Akiko's place?

Natigilan ako sa pag-iyak. Bukod sa hindi niya pinansin ang pag-iyak ko, kumirot ang puso ko sa narinig. What the hell? Akiko? Pupunta kami sa lugar ng babaeng iyon? At sinama pa niya ako?

"Bakit tayo pupunta doon? At talagang sinama mo pa ko? Gustong gusto mo akong nasasaktan, 'no?!" sabi ko at bumuhos na naman ang luha ko.

Napalingon silang dalawa sa akin. "What the fuck, little girl? What's wrong with you?" Jin asked.

Mariin ko siyang tiningnan, iyong tipong babaon hindi lang sa puso niya ang tingin ko kung di pati na rin sa kaluluwa niya.

"Akala ko kasi dahil mahal na natin ang isa't isa, may magbabago sa turingan nating dalawa. Wala pala. Umasa lang ako." Mapakla akong ngumiti habang bumubuhos pa rin ang luha ko.

Hindi siya nakasagot. Tumikhim lang siya at umayos ng upo. Ganoon din ang ginawa ni Dominique ngunit ilang beses pa siyang sumulyap sa akin bago nagsimulang magdrive.

Tahimik kami sa byahe. Paminsan minsan ay natutulala ako pero madalas ay tumutulo ang luha ko. Gusto ko mang pigilan pero sa tuwing pipigilan ko ang luha ko ay mas lalo lang bumibigat ang dibdib ko kaya hinahayaan ko na lang bumagsak ang luha ko. Hindi na muli akong sinulyapan ni Jin. Alam kong alam niyang umiiyak ako dahil sa mga impit kong hikbi ngunit hindi man lang niya ko lambingin at patahanin.

Ano pa bang aasahan ko? Hindi na siya magbabago. Magkaroon man kami ng maraming anak, ganyan na siya. Walang puso. Walang kwenta. Wala siyang kwentang magmahal. Gusto ko na talagang magduda. Mahal ba talaga ako ng isang Jin Ichijo?

Mahigpit tatlong oras ang naging byahe dahil bukod sa malayo ay traffic pa. Gutom na gutom na ako. Tinapay lang ang kinain ko kanina. Naglalaway pa ko sa spicy foods. Hindi man lang ako tinanong kung gusto ko bang kumain o ano. He doesn't really care, huh?

Pumasok ang sasakyan sa isang village. Forbes Park, iyon ang pangalan ng village. Mga ilang minuto lang ay tumigil sa pagdadrive si Dominique. Nilingon ko ang isang malaking bahay. Dito ata nakatira ang Akiko na iyon.

Sa isip ko, pinipinta ko na ang sarili ng babaeng iyon. Katulad ni Nao ay isa rin siguro siyang yakuza. Mukhang bitch, malandi, palaban, mataray, at wala ring modo katulad nina Jin.

Pinunasan ko ang mga natirang luha sa mata ko bago umirap nang bongga. Naiirita ako. Nagugutom. Nagagalit. Nasasaktan. Bakit pa kasi ako sinama ni Jin dito? Ano? Para may ipamukha sa akin? Bwisit. Gusto niyang ipamukha sa akin ang tipo niyang babae?

Lumabas na sila pero nanatili pa rin akong nakaupo. Nagmatigas ako. Hindi ako lalabas hanggat hindi ako pagbubuksan at aalalayan ni Jin. Tumingin siya sa akin nang mapansing hindi ako gumagalaw. Napahilamos siya sa mukha niya, senyales na inis na inis na siya sa akin at hindi niya malaman kung anong dapat gawin. Ginulo niya ang semi-shaved hair niya at padabog na binuksan ang pinto sa back seat. Inaasahan kong mahigpit at marahas niyang hahawakan ang braso ko at kakaladkarin palabas pero nagkamali ako.

Hinawakan niya nang marahan ang kamay ko, punong puno ng pag-iingat. Nilapit niya ang mukha niya sa akin at binigyan ng isang matamis na damping halik ang labi ko. Nanigas ako at di makapaniwalang tumingin sa kanya.

"I'm sorry, okay? Kung ano man ang kinagagalit mo, sorry. I'm sorry." Hinalikan niya ang noo ko. "Tara na..."

Inalalayan niya kong makalabas ng sasakyan. Kinuha niya ang bag ko at binigay kay Dominique. Humaplos ang palad niya sa likod ko at sabay na kaming naglakad papunta sa gate. Gusto kong magtatatalon sa tuwa at kilig. Shit. Nababaliw na ko. Kanina lang ang sama sama ng loob ko at umiiyak ako, ngayon wala nang mapaglagyan ang ngiti sa labi ko. Grabe, Tifa. Kaunting lambing lang, bumigay na agad?

Touch Me AnywhereWhere stories live. Discover now