Chapter 9

10.2K 171 7
                                    

Chapter 9

The Come Back

Si Dart Eastwood ang tumawag sa kanya. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko para mapigilan ang panginginig nito. Nalasahan ko ang sariling dugo. Matatalim ang mga mata ni Jin na nakatingin sa akin habang kausap niya si Dart.

Gusto kong ipagdikit ang dalawa kong legs dahil kitang kita niya ang kabuuan ko pero hindi ko magawa. Nakatali pa rin ako hanggang ngayon.

Pinatong niya ang kanyang cellphone sa coffee table. Niloud speaker niya iyon at lumapit sa akin. Masama ko siyang tinitigan kahit halos manliit na ako dahil hubad ako sa harap niya.

"I already got the eyes. Where do you want me to put it?" Boses ni Dart ang narinig ko.

"Put it in my condo. Tomorrow morning," sagot niya.

Napigil ko ang aking hininga nang siya mismo ang nagtanggal ng pagkakatali ng mga paa ko. Hindi niya inalis ang mga mata niya sa akin habang kinakalas niya ang tali.

"Alright, Jin Ichijo. Where are you right now anyway? Where's the little girl?"

Hindi siya sinagot ni Jin. Nakaramdam ako ng ginhawa sa mga paa ko nang tuluyan niyang naalis ang pagkakatali nito sa dulo ng kama. Gumapang siya papunta sa mga kamay ko at ganoon din ang ginawa niya. Pinakawalan niya ako.

Maayos akong umupo nang pakawalan niya ako. Nanakit ang mga palapulsuhan ko sa higpit ng pagkakatali niya sa akin.

"Hey, is she safe? That little girl..." tanong ulit ni Dart.

Bubuka ko sana ang bibig ko para sagutin si Dart at sabihing hindi ako safe dahil kay Jin Ichijo nang pinitik niya ang bibig ko. Napasinghap ako.

"Shut up..." aniya sa galit na boses.

Hindi ako makaangal. Hindi ako makalaban sa kanya ngayon. Nanahimk ako at tumalikod na lang sa kanya.

Ramdam ko ang pangangatog ng aking mga binti dahil sa nangyari. Muntik niya na akong ma-rape. Muntik na. Putang ina, muntik na!

Nanunuyo ang lalamunan ko habang kausap niya si Dart Eastwood. Nasa tenga na niya ang cellphone at hindi na ito nakaloud speaker.

Kumuyom ang dalawang kamao ko sa galit. Galit na galit ako sa ginawa niya. Galit ako dahil binaboy niya ang pagkababae ko. Hindi man natuloy ang nais niyang gawin, he already touched and kissed me! He almost took my virginity!

I want to kill him. I want to sue him... but right now isn't the time. Sobra ang panghihinang nararamdaman ko. Maraming nangyari ngayong gabi at hindi ko kayang i-process agad ang lahat ng iyon. Naubos ang lakas ko. Naubos ang tapang ko. Para akong isang maganda at mabangong bulaklak na biglang natuyot dahil hindi ito nadiligan nang ilang araw.

Hindi ako natulog sa gabing iyon sa takot na baka pagsamantalahan niya ulit ako. Buong gabi lang akong nakatalikod sa kanya habang siya ay patuloy ang paninigarilyo at pagkalikot sa kanyang cellphone. I hope you die, bastard!

Napapikit ako nang buksan niya ang malaking kurtina ng hotel room at tumambad sa aking mukha ang liwanag ng araw. Umaga na!

Nakakunot ang noo niya nang lumapit siya sa akin. May inabot siyang paper bag. Siya mismo ang kumuha ng kung anong meron sa loob noon. Nakita ko ang isang maong shorts, plain white t-shirt, underwears, at flip flop sandals.

Hindi ko alam pero may naramdaman akong init sa aking puso. Mabilis akong umiling para mawala ang kung ano mang naramdaman ko dahil sa binigay niya sa akin.

Pinasadahan niya ang buong katawan ko. Hindi ako nagpalit ng damit. Iyon pa rin ang suot ko. Malaking t-shirt na pinunit niya kagabi. Ni wala nga akong underwears.

Touch Me AnywhereWhere stories live. Discover now