Chapter 31

8.6K 186 21
                                    

Chapter 31

Every Bullet

Pagkatapos ng tawag ni Dart, natunganga ako sa kawalan nang ilang minuto.

"Huy! Tifanny? Ano bang sinabi noong Dart na iyon at mas lalo kang namutla? Tinakasan ka na ba ng bait?" tanong ni Marsha at medyo niyugyog ang braso ko.

Hindi ako nakasagot.

Sa pag-aalala nina Zeff at Cid ay lumapit na sila sa akin at umupo sa tabi ko.

"Tifa..." sabay nilang tawag sa akin.

Hinimas pa ni Zeff ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"What's happening? Please, tell us. Binabaliw mo kami sa pagbabago mo. Hindi lang sa sarili mo kung di pati sa buong buhay mo. Lumalayo ka na sa amin..." nanuot ang malungkot na boses ni Zeff sa kalamnan ko.

Mariin akong pumikit. Hindi ko alam. Sasabihin ko ba sa kanila ang totoo? Ang pwedeng mangyari sa akin mamaya? Ayoko silang madamay sa pwedeng mangyari sa akin. Ako lang naman ang gusto ng mga iyon na makidnap dahil kay Jin. Pag sinabi ko pa sa kanila ang problema ko, madadamay lang sila.

"Alam mo, Tifa, sabihin mo na sa amin kung ano bang gumugulo diyan sa isipan mo. Hindi makakabuti sa baby mo ang pagsasarili ng problema. Sana alam mo iyon. Ang buong buhay mo ay hindi na lang umiikot sa'yo. May anak ka na..." ani Cid.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at kusang kumuyom ang mga kamao ko. Dumilat ako at sa pag dilat ko, nangilid ang luha sa mga mata ko. Nakatingin lang sila sa akin na tila hinihintay na mag open up ako sa kanila. Hinawakan ni Marsha ang kamay ko. Tinignan ko siya at binigyan niya ako ng maliit na ngiti.

Hindi ako makangiti. Paano ako ngingiti kung sobrang fucked up ng buhay ko?

I lowered my head. Tumulo ang mga luha ko. Mabagal ang pag-agos nila sa pisngi ko kaya sobra kong nararamdaman ang init nila. Hinimas ni Marsha ang likod ko. Pero imbes na kumalma ay mas lalo akong umiyak.

Ano ba, Tifa! Sobrang iyakin mo na!

"Noong araw na lumayas ako sa bahay namin, naghanap agad ako ng trabaho hanggang gabi. Nasa parking space ako ng isang fast food chain at muntik na akong ma-rape ng isang yakuza. Napigilan iyon ni Jin Ichijo dahil alagad pala niya ang nagtangka sa akin. Tinawag niya kong little girl at sinampal ko siya nang dalawang beses. Doon nagsimula iyon. Noong nawala ako bigla nang mag Horizons tayo, Marsha, nakidnap ako ni Jin at dinala sa underground auction. Maraming nangyari. Marami akong nasaksihan na kailan man ay hindi ko naisip na mangyayari sa mismong harapan ko. Puro dugo, puro espada, puro baril, at puro mga nakaitim na lalaki na puno ng tattoo sa katawan ang nakita ko. Kinaya ko ang lahat ng iyon. Pati ang deal namin ni Jin, kahit nakakabastos sa aking pagkatao, tinanggap ko para makapag-aral ulit ako..."

Pinunasan ko ang aking mga luha. Habang sinasabi ko sa kanila ang lahat, unti-unting bumibilis ang pagpatak ng mga luha ko. Hindi ko sila matignan. Hindi ko kayang makita ang disappointment at awa sa kanilang mukha.

Ayokong kaawaan nila ako pero nakakaawa talaga ako ngayon. Shit naman kasi, Jin! Nasaan ka na ba?

"Babayaran niya ako basta pwede niya kong hawakan at halikan kahit saan. He can touch me anywhere he wants and he will give me money..." nabasag ang boses ko.

Natigil sa paghimas si Marsha sa aking likod. Suminghap si Zeff at sinuntok ang kamang inuupuan namin. Nagulat ako roon pero mas lalo lang akong naiyak.

"Tapos nabuntis ka niya?" tumaas ang boses ni Cid.

Napatingin ako sa kanya. "Hindi ko naman naisip na mabubuntis ako. Noong una, hindi naman kami umaabot sa... sa... sex. Unang beses lang namin ginawa iyon noong nakaraang buwan." Humikbi ako. "Nadala kasi ako ng nararamdaman ko. Mahal ko na kasi siya kaya bumigay na ako..."

Touch Me AnywhereWhere stories live. Discover now