Chapter 18

9.7K 199 26
                                    


Chapter 18

Bad Blood

Avoid those kids who have interest on me? Huh! Like I would do that!

Hindi na ulit pumunta si Jin sa dorm ko simula nang mangyari ang pagbubugbog niya sa kanyang mga alagad. Wala ulit siyang paramdam at mabuti para sa akin iyon. Ayoko munang magpakita sa kanya. Ayoko siyang makita. Parang nilipad ng hangin ang tapang ko dahil lang sa sinabi ko sa kanya.

Maybe I assumed too much. Yes. Tama siya. Ngunit hindi naman niya ko masisisi nang husto kung naisip kong nagkakagusto na rin siya sa akin dahil ako? I'm falling really fast for him and I don't like it. Kasi alam kong hindi pwede. Hindi pwedeng magkagusto sa isang katulad niyang halang ang bituka. Masasaktan lang ako. Sasaktan ko lang ang sarili ko.

Inayos ko ang mahaba at itim kong buhok bago kinuha ang tray na naglalaman ng pagkain ko ngayong lunch break. Hinahanap ko kung saan nakaupo sina Marsha at Cid nang may tumawag sa aking grupo ng mga lalaki.

"Hi, Tifa..." bati nila.

"Hello..." bati ko nang hindi sila nililingon. Busy ang mga mata ko sa paghahanap kina Marsha sa loob ng canteen.

"Sinong hinahanap mo? May kasabay ka bang mag lunch? Gusto mo sabay ka na sa amin?"

Napangisi ako. Sanay na ko sa ganito. At talagang nakakataas ng tingin sa sarili kapag alam mong maraming nahuhumaling sa'yo. Iba talaga kapag maganda.

"Ganda talaga ni Tifa..." narinig kong bulong nila.

Tumatawa na ko sa isip ko. Jin, look at this! Kung makita mo lang kung paano mabaliw at mahumaling ang mga lalaki sa akin dito sa school, baka gumulong gulong ka sa tuwa dahil nahahalikan at nahahawakan mo ang isang tulad ko! Kaya wag mo akong baliwalain! Punyeta ka!

Nahanap ng mga mata ko sina Marsha. Bumaling ako sa mga grupo ng lalaki at ngumiti sa kanila.

"May kasabay akong kumain. Thanks anyway sa pag invite..." matamis akong ngumiti at iniwan na silang nakanganga doon.

Malaki ang ngisi ko nang umupo sa tabi ni Marsha. Medyo nagulat siya sa pagdating ko kaya tinaasan ko siya ng kilay. Sa harap namin ay si Cid at hindi siya makatingin sa akin.

"Hi, Cid..." bati ko sa kanya kahit alam kong medyo naiilang na siya sa akin ngayon.

Maasim ang ngiting binigay niya sa akin. Nang-asar pa ako at tinapik ko ang kamay niyang nakapatong sa mesa. Napatalon siya sa gulat at tumingin sa akin. Namula ang tenga niya.

"Namumula ang tenga mo, Cid. Kinikilig ka ba sa akin?" tanong ko, natatawa.

"You are such a tease, Tifa. Tigilan mo nga si Cid..." saway ni Marsha sa akin.

Nagsimula akong kumain habang nakatitig kay Cid. Hindi na siya makakain nang maayos dahil sa tingin ko. I wanted to see his charming smile again.

"Cid..." tawag ko. Nagdalawang isip pa siya kung titingin siya sa akin o hindi kaya tumayo ako at tumabi sa kanya. Napangiwi sa akin si Marsha. Hinawakan ko ang baba ni Cid at pinilit na iharap sa akin ang mukha niya. His eyes were in a round shape when he looked at me. "I wanted to see your charming smile again."

Napasinghap si Marsha. "Tifa! Pa-fall ka talaga kahit kailan!"

And Marsha, I wish Jin Ichijo would fall for me, too. Hindi ako sanay na nagkakagusto ako sa isang lalaking wala namang gusto sa akin. Simula nang maging teenager ako, kapag nagkagusto ako sa isang lalaki, nakukuha ko agad siya dahil mutual ang nararamdaman namin. I'm Tifanny Rin Luciano. I'm not born with a silver spoon but I'm beautiful and gorgeous. No one can resist me.

Touch Me AnywhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon