Chapter 8

10.3K 195 6
                                    

Chapter 8

Hotel Room

Mabilis hinablot ni Jin ang braso ko para tumakbo paalis. May putok ng baril akong narinig. Lumingon ako para tignan sana si Dart na naiwan pero wala na siya roon. Isa-isang bumabagsak sa sahig ang mga lalaking nakapalibot sa amin kanina kahit wala namang bumabaril at kumakalaban sa kanila.

Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang tumatakbo kami ni Jin palabas ng auction room. Puro putok ng baril ang naririnig ko sa paligid. Sobra sobra ang takot ko na baka matamaan ako ng baril kaya hindi maiwasan ng mga tuhod ko ang pangangatog.

Bumigay ang isang tuhod ko kaya napaupo ako sa sahig. Napasinghap ako nang makita ang isang bangkay ng lalaking puro hiwa sa katawan. Damn!

"Fuck, little girl. Stand up." Pinilit akong itayo ni Jin sa braso pero hindi ko talaga magawa. Sumuka ako ulit. "Fuck."

Suka ako nang suka. Marumi at mabaho na ang damit kong kanina lang ay sobrang ganda at bango. Hindi ko na kinakaya ang mga nakikita ko. Puro dugo. Puro putok ng baril. At puro espadang puno ng dugo ng tao.

"Sir Jin..." I heard someone's voice.

"Akaya... Are you done checking our escape route?"

"Yes, sir..."

Sumuka ako ulit. Narinig kong suminghap si Jin.

"Damn it, little girl. Why are you so weak?"

Nag-init ang dugo ko sa sinabi niya. "Damn it, too, Jin Ichijo! Please be considerate! Hindi ako sanay sa mga ganito! Hindi ako katulad niyong halang ang bituka at kayang pumatay ng tao! Damn it, alright? Damn it!" Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"Tss. Why did I even ask you to come with me!"

"You didn't ask me! Babayaran mo ako! Babayaran mo ako, Jin!" sabi ko.

"Alright! Alright! I know, damn it! Just shut up!" Hinatak niya ang braso ko patayo at niyakap.

Nakarinig ako ng putok ng baril. Tinignan ko ang kamay ni Jin na may hawak ng baril. Umuusok pa ang nguso nito dahil sa pagputok na ginawa.

Napapikit ako nang iputok niya ulit ang baril at nakarinig ako ng mga taong bumulagta sa sahig. Shit. Hindi ko na ito kaya!

"I want to go home..." I blurted out.

"Sorry, little girl... But we will not go home yet," sabi niya. "Akaya, tell Dominique that we will regroup tomorrow morning. I will text him the details of my whereabouts."

Pinilit ako ni Jin tumakbo ulit. Hawak niya ang braso ko at halos kaladkarin na niya ko dahil hindi ako makatakbo nang maayos. Wala nang humaharang na mga lalaking may hawak ng baril sa amin. Puro bangkay na lang ang mga nadadaanan namin.

"Akaya did a really good job." Ngumisi si Jin.

Dumaan ulit kami ni Jin sa underground tunnel. Ang kaibahan lang ngayon ay wala nang mga ilaw sa paligid. Sobrang dilim at natatakot akong bigla na lang akong bumulagta sa sahig dahil may bumaril sa akin.

Nakalabas na kami ng underground tunnel. Hindi na mapakali ang puso kong sobrang lakas ng kabog. Tumambad sa amin ang ilang sasakyang nakaparada. Madilim at tahimik ang paligid. Sa tingin ko ay parang parking space ito ng lugar na 'to.

"Jin, gusto ko nang umuwi..." nanghihina kong sabi.

"We can't."

"Bakit? Gusto ko nang umuwi. Magkakasakit ata ako..."

"Susundan nila tayo kaya kailangan nating maghiwa-hiwalay. Bukas pa tayo uuwi." Tumingin siya sa akin. Nagkasalubong ang kilay niya. "You need to change clothes."

Touch Me AnywhereWhere stories live. Discover now