Chapter 7

11K 205 10
                                    

Chapter 7

Underground Auction

Mariin kong kinagat ang labi ko habang sinusuri ako ni Dart Eastwood. The way he was looking at me made my stomach ache for no reason. Maybe I was really intimidated by this guy in front of me.

Tumagal ang paninitig niya sa akin kaya ako na mismo ang bumasag sa tensyong nararamdaman ko sa paligid. I'm not really sure kung may tensyon ba talagang namumuo o imagination ko lang iyon.

Kinuha ko ang aking stilletos kay Jin at isinuot iyon. Batid ko ang mga mata nilang nanonood sa bawat kilos ko. Medyo naduwal ako nang mahagip ng mga mata ko ang isang patay na lalaki malapit sa kinatatayuan ko. Shit. Kumalat na ang kanyang dugo sa sahig dahil sa natamo niyang malaking hiwa sa leeg.

Tinakpan ko ang aking bibig para mapigilan ang sariling maduwal. Lumapit sa akin si Dominique at hinawakan niya ang siko ko para alalayan. Gusto kong pumiglas sa hawak niya pero sobra akong nanghihina.

Narinig ko ang pagtikhim ni Jin. "We will be late at the auction. Let's go..." aniya at tumingin sa akin. "Weak little girl."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "What the fuck—"

Pinutol niya ang pagmumura ko. "Alalayan mo ang babaeng 'yan, Dominique. Don't leave her side. Let's go," mariing sinabi niya sa kanyang mga alagad.

Nauna na siyang naglakad paalis. Sumunod ang mga alagad niya. Akala ko ay susunod na rin sa kanya itong si Dart Eastwood at ang mga kasama niya pero nanatili sila sa aking harapan.

Tumaas ang kilay ni Dart Eastwood. "What is your relationship with the right hand of Yakuza Ichijo?" nangingisi niyang tanong.

Malalim akong humugot ng hininga. Binawi ko pabalik ang siko kong hawak ni Dominique. Napansin ko ring hindi pa umaalis si Lei. Nasa likod lang siya ni Dominique at nakatingin sa akin.

Hindi ko sinagot ang tanong ni Dart Eastwood. Nilagpasan ko siya at sinundan ang direksyong tinatahak nina Jin kahit nanginginig ang mga tuhod ko at halos masuka na ako sa tuwing nakakakita ako ng mga patay at duguang lalaki.

Sumunod sina Dominique at Lei sa akin. Tinabihan nila ako sa magkabilang gilid ko na para bang binabantayan ako.

"I will not leave your side." Ngumiti si Dominique.

"Don't care," sabi ko.

Narinig ko ang mga yabag nina Dart Eastwood sa aming likod.

"I like this girl..." sabi niya.

Nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Damn! I'm really intimidated by this guy!

"Who is that guy?" tanong ko kay Dominique at pasimpleng sinulyapan si Dart Eastwood.

I met his smiling eyes. I gasped. Binalik ko ang tingin sa daan at mas lalong binilisan ang paglalakad.

"He's a mafia boss. We have an alliance with them. Do you know the Eastwood Mafias?" Dominique asked.

"Anong alam ko sa mga mafia at yakuza na 'yan? I didn't even know those organizations really exist here in the Philippines. Akala ko mga gangsters at mga batang hamog lang ang mayroon dito."

Malakas na humalakhak si Dominique. Pinipigilan naman ni Lei ang kanyang tawa.

Napailing na lang si Dominique pagkatapos niyang tumawa. "Baka hindi ka na pakawalan ni Sir Jin dahil sa ugali mong 'yan."

My attention went to Jin. Sumulyap siya sa amin dahil sa halakhak ni Dominique. Tumaas ang kilay niya at bumaba ang kanyang paningin sa aking dibdib. Nag-init ang mga pisngi ko.

Touch Me AnywhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon