Chapter 5

11.1K 188 7
                                    

Chapter 5

Corner

Patuloy ang pagsigaw at pagsuntok ko sa likod ni Dominique nang ipinasok niya ko sa loob ng condo unit ni Jin. Nakasunod lang sa amin sina Ian at Takeshi.

Inupo ako ni Dominique sa couch. Nakita ko ang pagbuntong hininga niya at ang paghimas niya sa kanyang likod.

"Ang lakas mong sumuntok. Ang sakit ng likod ko," reklamo niya.

Bumuga ako ng hininga. Hindi ko pinansin ang reklamo niya. Tumayo ako at handa na sanang umalis nang bigla akong harangan nina Takeshi at Ian. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanila.

"What the heck? Padaanin niyo ko." Tinulak ko sila pero hindi sila natinag. Nandoon pa rin sila sa aking harapan. "Ano ba?!"

Umiling iyong isang lalaki na sa tingin ko ay si Takeshi dahil singkit ang mga mata niya pati ang kulay ng balat niya ay namumutla na sa sobrang puti. I think he's Japanese.

Tumaas ang kilay ng katabi niyang lalaki. Siya 'yong si Ian. Pula ang kanyang buhok at medyo moreno ang balat niya.

"Manahimik ka na lang," aniya.

Tinulak ko siya. "This is kidnapping! Umalis kayo sa harap ko!" Patuloy ako sa pagtulak sa kanya.

Nahuli niya ang dalawang kamay ko. Mahigpit niya iyong hinawakan at namilipit ako sa sakit na dulot ng kanyang paghawak.

"Pag sinabing manahimik, manahimik." Kumunot ang noo nitong si Ian. "Isa pang tulak sa akin, papatulan na kita."

Matalim niya kong tinitigan. Hindi ako nagpatalo at matalim ko rin siyang tinitigan.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang paglapit sa akin ni Dominique. Siya mismo ang bumawi sa mga kamay kong mahigpit na hinahawakan ni Ian.

"Tama na, Ian. Wag mo siyang takutin," sabi ni Dominique.

Mapang-asar akong tumawa sa sinabi niya. "Hindi ako natatakot o nasisindak sa kanya."

Mas lalong tumalim ang tingin ni Ian sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Tss..." Tumalikod siya at naglakad palabas. "Yosi lang ako." Sumulyap siya kay Dominique.

"Dito ka lang, Ian. Babantayan natin 'tong babae ito. Sumunod ka sa utos ni Sir Jin."

Tumigil sa paglalakad si Ian at pagalit na umupo sa couch. Tumabi sa kanya si Takeshi.

Nakangiting sumulyap sa akin si Dominique. "Kumain ka na ba?"

Hindi ko siya pinansin. Naglakad ako papunta sa pinto ng condo unit. Napatayo sina Ian at Takeshi para pigilan ako pero naunahan sila ni Dominique. Napamura ako nang buhatin niya ko.

"Tangina, ano ba?! Uuwi na ko!" sigaw ko at sinuntok ang dibdib niya.

Nilapag niya ko sa couch kaharap ng kanila Ian. Tinuro niya ang leeg at kamay ko.

"Gagamutin natin 'yan. Tignan mo... Natuyo na ang dugo."

Napatingin ako sa aking kamay. Tuyong dugo ang nakita ko roon.

"Ano bang pakialam mo?" Matalim ko siyang tinignan.

"Gagamutin ko 'yan," sabi niya bago pumasok sa loob ng isang kwarto.

Napapikit ako sa inis at pagkayamot sa nangyayari sa akin ngayon. This is not the time to kid around. Hindi ito ang oras para manatili ako rito. Kailangan kong umuwi. Kailangan kong humanap ng trabaho para mabayaran ko na ang tuition fee ko at para makapag enroll na ko.

Touch Me AnywhereWhere stories live. Discover now