Chapter 47

8.1K 206 13
                                    

Chapter 47

Mahal Din Kita

Naging madali para sa'kin tanggapin ang proposal ni Jin. Lahat ng mga iniisip kong problema ay biglang naglaho na parang bula sa ere noong tinanong niya ako. Isang bagay lang ang nasa isip ko habang kabado siyang nakatingin sa akin at hinihintay ang magiging sagot ko: gusto kong maging masaya kasama siya at ng magiging anak namin.

Sa kabila ng pagtanggap ko sa kanyang proposal, gusto kong tumawa at gumulong gulong sa kama dahil natutuwa ako. Sino bang mag-iisip na ang isang Jin Ichijo ay may balak akong pakasalan? Sumasagi rin pala sa isip niya ang kasal. Hindi ako makapaniwala. Akala ko ay puro kamanyakan, kagaguhan, at kasamaan lang ang nasa utak niya.

Napaaga rin ang pag-uwi namin sa bahay. Panay ang text at tawag sa akin ng buong pamilya ko. Wala akong magawa kung di ang pagbigyan ang kahilingan nilang umuwi ako. There are still many things left unsettled with my family.

Magkahawak-kamay kaming lumabas ng bahay ng mga Ichijo. Sa kabilang kamay niya ay hawak niya ang bag kong may lamang mga damit na ginamit ko nitong nakaraang araw. Sa likod namin ay nakasunod ang lahat ng alagad niya. Hinarang kami ni Ichijo Takeo kasama ang mga alagad niya.

"Where are you going?" he asked while gritting his teeth.

"Going home."

"This is your home."

Jin just shrugged. "Whatever."

Balak namin siyang lagpasan nang bigla ulit siyang humarang sa dadaanin namin.

"How about our blody fight?!"

Tuloy pa rin pala iyon?

"Tinatamad na ko."

"What the hell?!" sigaw ni Takeo at masamang tumingin sa akin.

Hindi ako nagpatalo at binigyan din siya ng masamang tingin. Mas lalong lumakas ang loob ko dahil kasama ko si Jin at alam kong ipagtatanggol niya ko ano mang gawin kong kabaliwan ngayon.

"Just... get out from my sight. I don't have time to play with you, brother." Malokong ngumisi si Jin at hinatak na ko palabas ng bahay ng mga Ichijo.

"Ichijo Jin! Come back here! I'm not yet done with you!"

Balak niya kaming habulin pero biglang sumulpot si Ichijo Kenta at pinigilan siya. Tumango si Jin sa kanyang ama at saka kami pumasok sa black BMW niya. Ang mga alagad naman niya ay sumakay sa itim na van. Mabilis nagdrive si Jin paalis ng Forbes Park. Sa likod namin ay sumusunod ang itim na van sakay sina Dominique.

"Matulog ka muna. Mahaba ang byahe." Sumulyap siya sa akin.

Tumango ako. "Okay. Pag inantok ako."

Naghari ang katahimikan. Maya maya ay nagsalita ulit ako. Hindi ako inaantok kaya magdadaldal na lang ako. Mukhang good mood si Jin kaya pwede ko siyang kulitin ngayon.

"Jin, nagpropose ka sa akin pero wala man lang singsing? Ang cheap mo naman," sabi ko sabay tingin sa ring finger ko.

"Tss. Hindi ako nakabili. Biglaan lang naman ang pag-aalok ko sa'yong magpakasal."

"What the?!" Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. "On the spur of the moment lang ang pagyaya mo sa akin magpakasal? You proposed to me without even planning it? Goodness gracious! Kaya pala walang singsing! Wala ka talagang alam sa romance!"

"Anong kinalaman ng singsing sa pagkawalang alam ko sa romance?" asik niya.

Sumimangot ako. "Hindi ako tanga pero handa akong magpakatanga para sa anak ko. Kaso naisip ko, sa huli ay baka kami lang din ang masaktan ng anak ko. Niyaya mo akong magpakasal pero nagawa mo lang iyon without even planning it. Hindi na ko magtataka kung pagkatapos nating magpakasal ay bigla mo na lang akong iwan," walang gana kong sabi.

Touch Me AnywhereWhere stories live. Discover now