Chapter 17

9.5K 195 8
                                    


Chapter 17

Play

Iniwan ko muna ang paggawa ko ng assignment sa Fundamentals of Accounting I. Kinuha ko ang malaking paper bag para makakain na si Saint. Natigil ako sa pagpunta sa kusina nang mapansing hindi pa rin umaalis si Robert. Sumulyap ako sa kanya at nakitang nakatitig siya sa akin.

"Bakit hindi ka pa umaalis?" Umirap ako. "Umalis ka na nga."

Tumagilid ang ulo ko nang pasadahan niya ng malagit na tingin ang buong katawan ko. Nakasuot lang ako ng maikling shorts at spaghetti strap dahil nasa dorm lang naman ako. I wasn't expecting a visitor kaya hindi ako nag-ayos.

Lumapit ulit ako sa study table at pagalit na binagsak ang paper bag sa lamesa. Natigil siya sa pagtingin sa buong katawan ko. Nanliit ang mga mata niya nang magkasalubong ang mga mata namin.

"Bastos ka, ah?" tumaas ang boses ko.

Pumaywang siya sa aking harapan. "Bakit ba ang tapang mong babae ka? Hindi ka ba natatakot sa akin? Sa amin? Lalo na kay Sir Jin? Kung makaasta ka sa harap niya parang normal na tao lang kami."

Humalukipkip ako at pinakita ko sa kanya ang maldita kong mukha. "Ano bang reason para matakot ako sa inyo? You guys are just a bunch of assholes."

Nawindang siya sa sinabi ko. Tumalon ang puso ko sa gulat nang mabilis siyang lumapit sa akin. Lahat talaga sila ay mabibilis kumilos at gumalaw! Hindi agad ako nakaatras kaya nahuli niya ang panga ko at mahigpit iyong hinawakan.

"Hindi kami assholes!" sigaw niya sa mukha ko at nagtalsikan pa ang maliliit niyang laway.

"B-Bitiwan mo a-ako!" hindi ako makapag salita nang maayos dahil sa pagkakahawak niya sa panga ko.

Namumula ang kanyang mukha sa galit dahil lang sa pagtawag kong assholes sa kanila. Nalihis ang mga galit niyang mata mula sa aking mga mata papunta sa aking labi. Bumalik sa isipan ko ang unang encounter namin sa isa't isa. Balak niya akong pagsamantalahan noon sa parking space ng isang sikat na fast food chain!

Kaba ang bumalot sa buong puso ko at tinulak ko siya palayo sa akin. Nabitawan niya ang panga ko at tumama siya sa aking study table. Bumagsak ang paper bag na naglalaman ng mga pagkain ni Saint.

"Umalis ka na! Alis!" pagtataboy ko sa kanya.

Umatras ako palayo sa kanya. Nang makatayo siya ng maayos pagkatapos ko siyang itulak ay mas lalong namula ang kanyang mukha sa galit. Tinuro niya ako.

"Ako ang unang nakakita sa'yo! Dapat tinuloy ko na ang balak ko sa'yo noon! Tangina! Pakipot ka pa sa akin noon pero kay Sir Jin ay nagpapahalik at nagpapahawak ka?!"

Feeling ko ay namula rin ang aking mukha sa galit dahil sa sinabi niya. Nanginig ang mga kamao ko at gusto ko siyang paulanan ng sampal at suntok.

"Hindi ako malanding babae para lang magpahalik at magpamanyak sa kung sino-sinong lalaki! Punyeta ka!" Sinugod ko siya at sinalubong niya ako.

Hindi ko siya nagawang saktan nang magkalapit kami dahil marahas niyang hinawakan ang mga braso ko at pinahiga niya ako sa sarili kong study table. Tumama ang matigas na kahoy nito sa aking likod dahilan kung bakit napasigaw ako sa sakit. Narinig ko ang iilang malalakas na tahol ni Saint.

"Magkano ba ang binabayad sa'yo ng boss namin?" sigaw niya.

Hindi ko siya masagot. Hindi ako makabawi dahil sobra akong nanghina sa pagtama ng likod ko sa study table. Feeling ko ay nabulabog ang buong sistema ko. Nakaramdam ako ng kaunting pagkahilo.

Touch Me AnywhereOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz