Chapter 48

7.9K 208 6
                                    


Chapter 48

On Bended Knees

"Ano? Pagkatapos mong makakilala ng isang yakuza, makipagrelasyon sa isang yakuza, mahalin ang isang yakuza, magpabuntis sa isang yakuza, ngayon naman ay magpapakasal ka sa isang yakuza? Wow, Tifa! Ibang iba na ang buhay mo sa akin, ha? Ikaw pa ba iyan? Ang layo na ng narating mong babae ka!" putak nang putak si Marsha.

Hinayaan ko lang siya dahil sobra siyang nabigla nang tawagan ko siya sa cellphone at sinabing ikakasal na ako kay Jin. Wala akong magawa sa loob ng kwarto dahil kausap ni Jin ang mga alagad niya sa loob ng van ngayon. Mamayang gabi na sila aalis.

Bigla ay nahirapan akong huminga. Bumigat ang dibdib ko. Bumagsak ang mga balikat ko at nag-iinit ang mga mata ko.

Ayaw ko siyang umalis pero kailangan.

"Oh, ano? Kailan kayo magpapakasal? Aba dapat invited ako riyan, ha? Subukan mo lang wag akong—"

I cut her off.

"Hindi ko pa alam kung kailan kami magpapakasal. Uuwi pa sila sa Japan at hindi ko alam kung kailan sila babalik. Ang sabi niya pagkauwi niya, doon lang kami magpapakasal." Napalunok ako dahil may bara sa lalamunan ko.

"Paano kapag hindi siya umuwi?!" asik niya, halos mapapikit ako sa lakas ng sigaw niya.

"Uuwi siya, Marsh. Uuwi siya at pakakasalan ako."

Hindi lang siya ang sinabihan ko noon, pati ang sarili ko. Paano nga kapag hindi na niya ako balikan?

Ilang beses parang tinusok ng karayom ang puso ko sa naisip.

"Siguraduhin lang niya! Wala akong masyadong alam sa mga nangyari sa inyo kaya hindi ko magawang magtiwala kay Jin Ichijo. Hindi nakita ng mga mata ko kung paano ka niya alagaan at pakitunguhan. Mas may tiwala pa ko kay Dart Eastwood, Tifa. Pasensya na pero iyon ang totoo. Panghahawakan ko na lang ang sinabi niyang mahal ka niya at gusto niyang maging mabuting asawa at anak sa inyo. Pero..." natigilan siya.

"Pero ano?" tanong ko.

Kumunot ang noo ko.

Bumuntong hininga siya at tumikhim. "Parang may mali?"

"Anong mali?"

"Bakit siya uuwi ng Japan? Pakasalan ka muna dapat niya bago siya umuwi ng Japan para may assurance kang babalikan ka talaga niya. Para may panghahawakan ka. Para hawak mo siya sa leeg."

Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone sa aking tenga. Hindi ko masabi kay Marsha kung bakit uuwi sila Jin sa Japan. Hindi ko magawang sabihin dahil kahit ako ay walang alam tungkol sa problema nila sa Yamaguchi at Mori clans. Alam ko lang ay kalaban nila iyon. Ngunit anong klaseng ayos ba ang pinapagawa sa kanya ni Ichijo Kenta?

I chewed my bottom lip. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa naisip.

Patayan ba? Patayan ba sa pagitan ng Ichijo, Eastwood, Yamaguchi, at Mori clans?

Shit. Nagflashback sa isip ko ang mga nakita kong patayan noon sa underground tunnel at underground auction. Pati iyong pagbaril ni Dart sa ulo ng kidnaper. Gusto kong masuka.

Napatakip ako sa bibig ko.

"Hello? Tifa? Are you still there?"

"B-Basta may aayusin lang sila sa Japan..." nanginig ang boses ko, nanatiling nakatakip ang palad ko sa aking bibig.

"Sabihin mo pakasalan ka muna niya bago umuwi! Bago pa lumaki ang tiyan mo!" pilit niya.

"Mamaya na sila aalis, Marsha...."

Touch Me AnywhereKde žijí příběhy. Začni objevovat