Chapter 28

9.4K 205 1
                                    

Chapter 28

Home

"Did you forgive me, little girl?" aniya sa paos na boses.

"Forgive you? You didn't even say you're sorry." I smiled bitterly. "But I did forgive you, Jin. I already forgave you for all the bad things you have done to me because I love you."

Nagising ako at mabilis na umupo. Hawak-hawak ko ang aking dibdib habang hinahabol ang aking hininga. Grabeng panaginip iyon. Sinabi ko kay Jin na napatawad ko na siya kahit hindi naman siya nagsabi ng kahit anong sorry sa akin dahil mahal ko naman siya. Mahal? Ako? Mahal ko si Jin Ichijo?

That was the most ridiculous dream I have ever had. Nakakatawa kaya kinalimutan ko na lang. I'm well aware that I'm falling for him but I'm not in love with him... for now, I guess.

Ilang beses pang naulit ang panaginip na iyon. Para akong binabangungot araw-araw. Paulit-ulit ang eksenang iyon sa panaginip ko. Walang patawad ang paos na boses ni Jin at patuloy niya akong sinusundan sa panaginip ko.

Nababaliw na ba ako? Epekto pa rin ba ito ng drugs? Magpacheck up pa rin kaya ako sa private doctor ni Dart?

Tinutok ko na lang ang buong atensyon ko sa pag-aaral. Inuna ko muna ang mga minor subjects kasi mas madali itong aralin. Ihuhuli ko na lang ang mga major subjects ko lalo na ang Accounting I. Doon pa naman ako hirap. At mahirap makapasa doon.

Napabaling ang mga inaantok kong mata sa biniling Iphone ni Jin para sa akin. Tumutunog kasi iyon at nakita kong tumatawag si mama. Bumuga ako ng hininga at tumayo bago sinagot ang tawag niya.

Nang ibinigay sa akin ni Dominique ang cellphone na binili ni Jin para sa akin noong nakaraang araw ay agad akong bumili ng sim card at tinawagan si mama. Mabuti na lang talaga at kabisado ko ang number niya kung di ay mapipilitan akong umuwi sa amin para lang ipaalam sa kanila na okay naman ako at hindi ako nawawala.

"Hello, ma?" inaantok kong tawag sa kanya.

Ginugol ko kasi ang buong weekend ko sa pag-aaral at hindi ako masyadong nakakatulog nang mahimbing. Hindi ako pwedeng bumagsak sa kahit anong subject dahil pinaghirapan kong kumita ng pera para matuloy lang ulit ako sa pag-aaral. Binenta ko na nga ang katawan ko para matuloy ko lang ang pag-aaral ko. Ganoon kahalaga ang pag-aaral sa akin.

"Kumusta ka na, anak?" tanong niya sa nag-aalalang boses.

"Okay lang ako, ma. Nag-aaral ako kasi malapit na ang Prelims. Next week na. Marami akong namiss na lessons kaya naghahabol ako."

Natahimik si mama. Parang pinag-iisipan niya kung bubuksan niya ulit ang topic kung saan nawala ako ng ilang araw. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya kung saan ako nagpunta at kung bakit hindi niya ko matawagan. At isa pa, kinukulit niya rin ako kung saan ako nakakakuha ng pera para sa pag-aaral ko at pangkain araw-araw. As if naman sasabihin ko sa kanya ang tungkol kina Jin. Kaya palagi kong iniiba ang usapan at sinasabing may trabaho akong malaki ang sahod.

"Ma... Mag-aaral pa ako. Maya ka na lang ulit tawag?" Kinagat ko ang labi ko at bumalik sa study table. Uminit bigla ang pisngi ko nang maalalang may kababalaghan kaming ginawa ni Jin sa mismong study table ko. Napangisi ako. Ilang araw na rin pala ang lumipas simula nang mangyari iyon.

"Anak... Bakit ayaw mo pang umuwi? Hindi ka ba nahihirapan mag-isa? Wag ka nang mag-alala sa ate mo. Kapag humingi ka ng tawad sa kanya, pag-aaralin ka ulit noon."

"Ma, hindi ako hihingi ng tawad. Wala naman akong kasalanan, ah?" Umirap ako kahit hindi naman niya iyon makikita.

"Anak, wag masyadong mapride. Masama iyan..." Suminghot si mama. Umiiyak siya? "Umuwi ka na, Tifanny. Namimiss na kita."

Touch Me AnywhereWhere stories live. Discover now