Chapter 11

10.2K 227 9
                                    

Chapter 11

Give and Take

Mukhang magkakatotoo ang sinabi ni Marsha na titigil muna ako ng isang sem para makapag trabaho ng full time tapos ay magiging irregular student ako. Halos murahin ko na ang lahat ng ng mga inapplyan ko. Ang iba sa kanila ay hindi na ko tinawagan, iyong iba ay walang reply, at ang sabi ng iba kailangan nila ay full timer. Hindi part timer.

Mas lalo akong napamura nang makitang ubos na ang blocks para sa next semester. Kaya naman free section na lang ang kukunin ko... Kung makakapag-enroll pa ako.

Kailangan ko na talagang bayaran ang tuition fee ko last sem para makapag-enroll na ako.

Tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at nakitang nagtext ulit si mama.

Mama:

Umuwi ka na, anak. Nag-aalala na kami sa'yo. Nasaan ka ba? Pupuntahan ka namin.

Hindi pa ko nakakapag reply ay tumunog ulit ang cellphone ko. Akala ko si mama ulit ang nagtext pero si papa pala.

Papa:

Umuwi ka na.

Napakagat ako ng labi. I ignored his message. Si mama ang nireplyan ko.

Me:

Hindi ako uuwi, mama. Okay lang ako. Kaya ko ang sarili ko. Wag na kayong mag-alala. :)

Padabog kong nilapag ang aking cellphone. Damn. Kaya ko ba talaga ang sarili ko? Okay lang ba talaga ako?

Napatalon ako sa gulat nang may marahas na kumatok sa pintuan. Napataas ang kilay ko nang ilang beses niya pang ulitin ang marahas na pagkatok. It can't be Marsha. Dahil kapag ang kaibigan ko iyan, dire-diretso 'yang papasok sa dorm ko dahil binigyan ko siya ng spare key.

Nanlaki ang mga mata ko nang bumukas ang pintuan. At mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko nang pumasok si Jin. Nasa likod niya sina Dominique at Robert. Napatayo ako sa gulat.

"What are you doing here, bastard?"

Sinenyasan niya sina Dominique na wag pumasok. Malakas niyang sinarado ang pinto at naglakad siya papunta sa akin.

"Why didn't you lock your fucking door?" mariin niyang tanong nang nasa harap ko na siya.

Umikot ang mga mata niya sa kabuuan ng dorm ko. I saw his nose cringed. Damn him.

"How did you know I'm staying here?"

Oh fuck. Yes. Alam nina Dominique at Lei na nandito ako. Pero paano nila nalaman na nandito ako?

Of course, Tifa! Connections! Power! Control! Money! Basta meron ka niyan, madali lang malaman at mahanap ang isang tao.

"Next time, you fucking lock your door," sabi niya at hindi sinagot ang tanong ko. Humalukipkip siya at sumandal sa aking study table. Napatingin siya sa laptop ko. Nakita niyang tambay ako sa portal ng FEU. "Are you finally enrolled?"

Gusto kong matawa sa inis dahil sa tanong niya. Inaasar ba niya ko?

Nakita niya ang inis sa mukha ko kaya tinaasan niya ko ng kilay.

"You still not?" Umangat ang labi niya.

"I still don't have money to pay my tuition fee..." Umiwas ako ng tingin.

"That's why I'm here, little girl. You need me. How much is your tuition fee?"

Magkasalubong ang kilay ko nang tignan siya. Bumuntong hininga ako at sinabi sa kanya kung magkano ang balance ko last sem.

Touch Me AnywhereNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ