Chapter 14

10.2K 204 26
                                    

Chapter 14

Truly, Madly, Deeply

Days had passed. Jin and I were both hot and cold to each other. He would kiss me, touch me, and he would pay me after. We would make out with our clothes still on. And that's it. I have my limit. He has, too.

Nakakaipon na ko para mabayaran nang buo ang balance ko. Atat na atat na kong mabayaran iyon para makapag enroll na ako. Ubos na ubos na ang blocks para sa susunod na semester. Ang makukuha ko na lang na schedule ay puro tira-tira.

But it's fine with me. Okay lang kahit paiba-iba ang mga kaklase ko sa bawat subject. Marunong naman akong makisama.

Zeff has been bothering me for a while. Walang araw na hindi siya nagtetext sa akin. Nasisira ang araw ko kapag paulit-ulit niyang tinetext ang "Let's talk", dahil ayoko ngang makipag-usap. Ayoko siyang saktan lalo na kapag nalaman niyang ginawa ko siyang boyfriend para lang asarin ang mga fangirls niyang badtrip sa akin.

If I can avoid him for the rest of my life, I will.

Hindi pa rin ako makapaniwala habang hawak ang MacBook na binili ni Jin para sa akin. Hinaplos ko ang screen nito, ang keyboard... I can't believe I have this kind of expensive laptop.

Umiling ako at nagpatuloy na lang sa pagbabasa ng mga emails ko. Hindi na ko umaasang magkakaroon pa ako ng trabaho dahil may nahanap naman na kong pagkakakitaan. Si Jin.

Pero kinagulat ko pa rin ang pagtanggap sa akin bilang part timer sa isang fast food chain na malapit lang dito sa pinagtutuluyan ko. Binasa ko ang email nila para sa akin. Magkakaroon ako ng interview sa darating na Sabado.

Pumangalumbaba ako at nag-isip. Sa Monday na ang simula ng klase at sa darating na Sabado, magkakaroon ako ng interview. Kailangan ko pa ba ang trabahong iyon kung may Jin Ichijo naman ako? Mas malaki ang makukuha kong pera kapag nag stick ako kay Jin. Pwede naman na tanggapin ko ang trabahong ito. Part time lang naman. Pupwedeng sa gabi ako magtrabaho pagkatapos ng klase ko.

Nag-aalinlangan ako dahil ayoko nang mapagod pa. May Jin naman na ako. Hindi ko na kailangan ng iba pang trabaho.

Kay Jin, mabilis ang pera. Isang araw lang, pwede na kong magkaroon ng ilang libong pera. Hindi na ko mahihirapang mamuhay mag-isa.

Pumulupot ang dalawang braso ni Jin sa baywang ko. Sumandal siya sa akin habang nakaupo kami sa maliit na sofa sa aking dorm.

Pasimple akong lumunok dahil ang lapit lapit niya sa akin. Nakikiliti ako kapag nararamdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko.

"What are you doing?" His voice was kind of... sleepy.

"It's none of your business."

Tinignan ko siya at nakikitang medyo pumipikit na ang mga mata niya. He's falling asleep. Again. Ang sabi ng mga alagad niya, may sleeping disorder or insomnia si Jin. Pero sa nakikita ko naman, mabilis siyang nakakatulog... kapag katabi ako. Iyon ang napansin ko. Palagi siyang tulog pagkatapos namin mag make-out o kahit cuddle lang sa kama, tulog na agad siya.

Naipikit ko ang mga mata ko sa kakaibang sensasyong naramdaman ng puso ko. My heart felt warm for some reason.

Dumilat ako at nakitang binabasa niya ang email na sinend sa akin kahit nahuhulog na ang mga mata niya.

"Don't accept it. Don't come to the interview. You won't go anywhere. I will be here this coming Saturday..." deklara niya.

Pinatong niya ang kanyang ulo sa balikat ko. Nagsisigaw ang buong sistema ko. Shit kayo!

Touch Me AnywhereWhere stories live. Discover now