Chapter 30

8.4K 220 7
                                    

Chapter 30

Precious Little Girl of Jin Ichijo

Nagawa ko pa rin pumasok sa school kahit alam kong buntis na ako. Hindi pa naman malaki ang tiyan ko kaya walang makakahalata. Kahit sa ilang subject na dapat ay drop na ako dahil hindi ako nakapasok noong araw na umuwi ako para i-check kung buntis ako ay wala akong takot na umuupo at nakikinig sa lessons nila. Kahit masama ang tingin ng mga profs sa akin ay binaliwala ko na lang. Hindi naman nila ko pinagsasabihan o pinapahiya sa harap ng klase.

Patuloy pa rin ako sa pag-aaral kahit minsan ay nahihilo at nasusuka ako. Nagiging sensitibo ako sa lahat ng bagay. Mabilis akong maapektuhan kapag inaano ako ng mga fangirls ni Zeff. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila tumitigil sa pang-iinis sa akin. Wala na kami ni Zeff, ano ba. May anak na nga ako sa ibang lalaki. Gusto ko iyon isigaw sa pagmumukha nila.

"Pasensya na, anak. Hindi ako agad nakadalaw sa'yo kahit sinabi kong tuwing linggo ay pupunta ako rito," ani mama habang inaayos ang mga pagkaing dala niya para sa akin. "Nagkasakit kasi ako..."

Hindi ako mapakali. Hindi ko na maintindihan ang malaki at makapal kong libro sa Accounting I. Lahat ng mga terms na nababasa ko ay hindi ko maintindihan. Umiikot ang sikmura ko at gusto kong sumuka pero nandito ang mama ko. Hindi niya alam na buntis ako.

Kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko. Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko. Damn! I wanted to puke so bad!

"Tifanny, may sakit ka ba? Namumutla ka." Hindi ko napansing lumapit na si mama sa direksyon ko.

Pinatong ko ang magkabilang siko ko sa study table at medyo yumuko. Oh God. "Pagod lang ako, ma. Ang dami ko kasing dapat aralin." I lied.

Gigil na gigil kong kinagat ang pang ibabang labi ko. Shit. Hindi ko na kaya. Gusto ko nang sumuka kahit alam kong wala rin namang lalabas sa aking bibig kung di puro laway.

"Wag ka muna kayang mag-aral? Magpahinga ka muna. Linggo naman, anak..." nag-aalalang saad ni mama pero hindi ko na siya pinansin.

Mabilis akong tumayo at pumasok sa cr. Padabog kong sinarado ang pinto at mabilis na umupo at nilapit ang mukha sa inidoro. Sumuka ako pero wala namang lumalabas sa aking bibig kung di laway. Namimilipit ako sa sakit ng aking tiyan. Hindi ko alam kung bakit.

Kinapa ko ang aking tiyan. "Baby, anong nangyayari sa'yo? Ang sakit. Please naman. Wag mong pahirapan ang mommy mo..." bulong ko sa aking anak sa takot na marinig ako ni mama sa labas.

"Anak, anong masakit sa'yo? Bakit ka sumusuka?" Kinatok ni mama ang pinto ng cr.

Marahan kong pinunasan ang aking bibig. Nangilid ang luha sa mga mata ko. Shit! Gusto ko nang sabihin sa mama kong buntis ako pero hindi ko alam kung anong isasagot ko kapag tinanong niya sa akin kung sino ang ama at kung paano nangyari! Paano ko aaminin sa kanya na nagpagalaw ako sa isang yakuza at nagpabayad para may pang-aral ako? Paano ko aaminin sa kanya na nagmamahal ako ng isang lalaking mamamatay tao? Paano?

Nahihirapan na ko. Wala akong alam sa pagbubuntis. Hindi ko alam kung anong kailangan ng anak ko at kung bakit ang sakit sakit ng tiyan ko ngayon. Wala akong alam dahil hindi naman pumasok sa isip kong mabubuntis ako sa edad na labing walong taong gulang!

"W-Wala, ma. May nakain lang akong hindi maganda kaya sumakit ang tiyan ko," sabi ko at natulala sa pinto ng cr.

"Sigurado ka, Tifanny? Bibili ako ng gamot. Kumain ka na ng dala kong mga pagkain..."

Ang boses ni mama ang dahilan kung bakit sumikip nang sobra ang dibdib ko. Humikbi ako. Alam kong nahihirapan at nasasaktan na si mama dahil sa akin. Pakiramdam ko ay may nahahalata na siya sa akin pero hindi niya magawang magtanong. Nang pumunta siya rito sa dorm ko, nakita ko kung paano nagulat ang mukha niya nang makita ang mga mamahalin kong gamit lalo na si Saint. Wala akong sinabi kasi hindi naman siya nagtanong.

Touch Me AnywhereDonde viven las historias. Descúbrelo ahora