Chapter 26

9.1K 186 15
                                    

Chapter 26

Pride & Ego

Gabi nang araw na iyon ay binigay sa akin ni Dart ang medical letter na hiningi ko. Nakalagay sa sulat na inatake ako ng UTI nang ilang araw. Mabuti naman at hindi sinulat ng private doctor ni Dart ang totoong nadrug overdose ako. Siguro sobrang laking pera ang natatanggap niya mula kay Dart kaya wala siyang pag-aalinlangang sumunod sa mafia boss na iyon.

Jin isn't here. Pagkatapos niyang makausap ang Akiko na iyon, umalis na lang siya nang walang paalam sa akin. Wala talaga siyang pakialam sa akin. Ni hindi man lang niya ko tinanong kung okay lang ako at kung anong masakit sa akin.

And then I asked myself. Bakit naman niya ko tatanungin kung okay lang ako? Halos patayin na niya ako kanina. He would not bother to ask me if I'm alright. Stop it already, Tifa. He doesn't deserve your precious time.

"Miss Luciano, one absent and you'll be drop out in my class," sabi ng prof ko sa Accounting I. Kinagat ko lang ang labi ko at yumuko. "You have already missed some of my lessons, activities, assignments, and especially my quizzes. My subject is very hard to pass. How can I give consideration to you if you're always absent?"

Pinagsabihan pa rin ako ng mga profs ko sa lahat ng subjects kahit pinakita ko na sa kanila ang medical letter ko. Wala akong masabi kung di sorry at hindi na ako aabsent. Pinagbigyan nila ako pero isang absent na lang, drop out na talaga ako.

Para tuloy nawawalan na ako ng ganang mag-aral. Jin, this is your freaking fault! I hate you but I still want you to kiss me and touch me.

Tutok na tutok ako sa bawat klase. Hindi ako pwedeng mawala sa focus kahit panay sagi sa isip ko kung sino si Akiko. Fuck. Stop thinking, brain! It's not healthy anymore. Kailangan mo pang mag cram dahil malapit na ang Prelim exam at hanggang ngayon ay wala ka pang alam sa mga lessons. You already missed some of the activities and quizzes. Kailangan mong bumawi sa exams, okay? Kaya mo 'yan!

"Tifa!" Halos mabali na ang katawan ko sa sobrang higpit ng yakap ni Marsha sa akin. "Saan ka ba nagpunta? Bakit hindi ka pumapasok? Bakit wala ka sa dorm mo? Iyong cellphone mo, out of reach! Nag-aalala na kami sa'yo! Pupunta na dapat kami sa presinto ni Cid noong pangalawang araw na nawawala ka na pero pinigilan kami ni Jin Ichijo!" nangingilid na ang luha sa mga mata niya.

Tumaas ang kilay ko at medyo nanlaki ang mga mata. "Pinigilan kayo ni Jin?"

"Oo! Ang sabi niya tumigil na kami sa balak namin dahil hindi ka naman daw nawawala! May pinuntahan ka lang daw at uuwi ka rin pero tangina! Hindi pa rin kami mapakali ni Cid! Pati ang mama mo ay pumunta sa school sa pag-aalala dahil hindi ka niya matawagan!"

"Pumunta si mama sa school?" gulat kong tanong.

Ang mga estudyanteng dumadaan sa hallway ng aming floor ay napapatingin sa amin. Umismid ako at pinanlakihan ng mga mata si Marsha para tumigil na siya sa pag ngawa sa aking harapan. Si Cid ay nasa likod niya lang, tahimik na nakikinig sa amin.

"Oo! Kinausap niya ako dahil alam niyang ako ang kaibigan mo! Sinabi ko lang din kung anong sinabi ni Jin sa amin!" Suminghap siya. "Saan ka ba kasi nagpunta? Bakit hindi ka namin matawagan?"

Sa ibang direksyon ako tumingin. Kinagat ko ang labi ko. Matagal ko nang sinabi sa sarili ko na hinding hindi ko sasabihin kina Marsha ang kahit na anong nangyayari sa akin kapag involve ako sa Ichijo Yakuza. Baka madamay pa sila.

"Basta may pinuntahan ako. Wag ka nang magtanong." Aapila pa sana si Marsha nang hinatak ko siya pababa ng hagdanan. Sumunod si Cid sa amin. "Libre niyo akong lunch. Nagugutom na ako. Wala akong pera ngayon..."

Touch Me AnywhereOù les histoires vivent. Découvrez maintenant