Chapter 20

10K 205 2
                                    

Chapter 20

Medicine

"Jin, tama na 'yan!" mabilis akong tumayo para hatakin si Jin palayo kay Zeff.

Nakaramdam ako ng sakit sa aking ulo pero binaliwala ko iyon. Kapag hindi ko sila pinigilan ngayon, baka mamatay si Zeff.

Hindi nagpatinang si Jin. "Stay out of this, little girl."

"Hindi, Jin. You stay out of this. Huwag ka ngang basta bastang naglalabas ng kodachi! Our life is different from yours!"

Tinapunan niya ko ng masamang tingin. "My world is already your world the moment you submitted to me."

Muntik nang malaglag ang panga ko sa sinabi niya buti na lang ay napigilan ko. "Whatever, Jin. Just stop this..." mariin kong sabi at hinawakan ang braso niya.

Marahas siyang suminghap. Tinapunan niya ng nagbabantang tingin si Zeff na ngayon ay namumutla ang mukha pero bakas pa rin ang galit sa kanyang mga mata.

"Tss." Padabog na binitawan ni Jin si Zeff.

Agad kong nilayo si Jin kay Zeff. Laking gulat ko nang magpatianod siya sa hatak ko palapit sa mga alagad niya.

"Bakit hindi niyo man lang pinigilan ang boss niyo? Anong klase kayong mga alagad?" sabi ko sa mga alagad niya.

Balak sumagot ni Robert pero nanahimik siya bigla. Hindi ko alam kung bakit. Pag tingin ko kay Jin, na kay Robert ang kanyang tingin habang binabalik sa kanyang tagiliran ang kodachi.

Dumapo ang tingin ko kina Marsha. Namumutla silang tatlo. Hindi ko sila masisisi kung matakot sila sa kanilang nakita. I've seen worst, guys. This is just nothing to me.

"Are you guys okay?" tanong ko sa kanila.

Walang sumagot. Tinignan lang nila ako na parang hindi sila makapaniwala. I looked at Zeff. May kaunting dugo sa kanyang leeg. Kinagat ko ang aking labi at lumapit sa kanya. Pinapatay ako ng aking konsensya.

"Magpagamot ka, Zeff." Nakatutok ang mga mata ko sa leeg niyang may maliit na hiwa. "Baka mapano ka."

"That's nothing, little girl. Why are you worried about him?" Jin asked.

"Shut up, you seaweed head bastard. This is all your fault."

Hinawakan ko ang kamay ni Zeff. Nanginginig iyon. Akala ko dahil sa takot kaya nanginginig siya pero nang makita ko ang nag-aalab niyang mga mata habang nakatingin kay Jin, alam kong hindi iyon dahil sa takot. Dahil iyon sa galit na nararamdaman niya.

"Marsha, lumabas muna kayo at maghanap ng nurse o doctor para magamot at malinis ang sugat niya sa leeg." Tumingin ako kay Marsha. She was staring at me like a dumb girl. "Marsha!"

Napatalon siya sa gulat. "Tifa..."

"Ano ba? Umayos nga kayo! Nakakita lang kayo ng mga yakuza, nanigas na kayo sa takot."

Kumunot ang noo ni Cid. "Ikaw, Tifa... Hindi ka ba natatakot sa kanila?" sabay turo niya kina Jin.

Umikot ang mga mata ko. "Bakit ako matatakot sa katulad nila?" Tumingin ako kay Jin. He frowned at me.

"Tifa..." tawag ni Marsha sa akin. Tumingin ako sa kanya.

"Marsha, tsaka na tayo mag-usap tungkol dito. Kailangan magpagamot ni Zeff at kailangan ko rin magpahinga. Wag ngayon, okay?" sabi ko nang hindi ko na talaga kinakaya ang sakit ng ulo ko. I want to sleep!

Lakas-loob na lumapit si Cid sa amin. Hinawakan niya ang braso ni Zeff at hinatak palabas ng kwarto. Hindi natanggal ang titig ni Zeff kay Jin. Ang mga kamao niya ay mahigpit na nakakuyom. Before they could get out of my room, Cid and Marsha gave me a worried glance. I cracked a small smile at them.

Touch Me AnywhereOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz