Chapter 37

8.2K 175 6
                                    

Chapter 37

Pwede Ba

Umalis si Jin pagkatapos niyang sabihin iyon. Tikom ang bibig ko at nararamdaman ko ang nagbabadyang luha sa mga mata ko pero hindi ko ito hinayaang bumagsak. Pakiramdam ko ay sasabog na ang lalamunan ko dahil barang bara na iyon. Nahihirapan akong huminga kaya tumayo ako at nagpalakad lakad sa harap ng kama.

I can't believe this. Nagpaulit ulit sa tenga ko ang sinabi niya.

You and that baby can't stop me? Huh! Hayop ka! Sana hindi mo na lang ako binuntis!

Sa takot na baka sumakit na naman ang tiyan ko kakaisip ay pinilit kong matulog. Kahit hindi ako makatulog ay mariin kong pinikit ang mga mata ko. Masakit na nga sa pandinig ang sinabi ni Jin, masakit pa sa puso. Nanunuot sa bawat ugat at kalamnan ko. Hindi ko matanggal sa sistema ko ang mga katagang binitiwan niya.

Hindi niya kami pinili ng anak niya. Ang masakit pa, naghihinala siya kung siya ba talaga ang daddy ng anak ko. Nakakagago siya. Fuck.

Puro tulog ang ginawa ko. Hindi ako kumain dahil wala naman akong pagkain sa dorm kaya kahit nahihiya ay tinext ko sina Marsha na ibili akong pagkain. After ng pasok nila ay dumiretso sila rito at pinakain ako. Lunok pride ang ginawa ko. Nakakaiyak naman ang sitwasyon ko!

Nagkwentuhan pa kami. Hindi agad sila umalis sa tabi ko. Gustong gusto kong sabihing hindi ako kayang panagutan ng walangyang si Jin para kahit papaano ay gumaan ang bigat na nararamdaman ko pero natatakot ako sa mga pwede nilang sabihin! Sa mga maaari nilang sabihin kay Jin!

See, Jin? Kahit sinaktan mo na ako at tinalikuran ng anak mo, ikaw pa rin ang inaalala ko! Mahal kasi kitang gago ka kahit hindi ko maintindihan kung bakit kita minahal?! Anong nakita ko sa isang katulad mong yakuza? Anong nakita ko sa'yong mamatay tao ka?!

Ngunit sa tuwing sumasagi sa isip ko ang nakaraan niya, napapabuntong hininga ako at kumikirot ang puso ko para sa mga dinanas niya. Hindi madaling mawalan ng pamilya sa murang edad at magpalaboy laboy sa kalye at walang makain. Hindi ko naranasan iyon pero alam kong mahirap ang naging sitwasyon niya kaya hindi ko rin siya masumbatan kung bakit para siyang asong ulul kung sumunod sa taong kumupkop sa kanya. Kung wala ang Ichijo, walang Jin na mahal ko ngayon.

Malaki ang utang na loob ni Jin sa mga Ichijo kaya oo nga naman, sino ba siya para sumuway sa utos na pakasalan si Nao?

Napahimas ako sa sentido ko dahil sumasakit ang ulo ko. Nakahiga ako at nakatingin sa kisame habang iniisip kung anong gagawin ko sa buhay ko ngayon. Pilit kong pinipigilang pangunahan ng emotion ko dahil hindi ako makakapag-isip nang tama. Gusto ko, kahit ngayon lang, gumawa naman ako ng tamang desisyon para sa buhay ko... para sa anak ko.

Wala na akong aasahan. Wala na si Jin. Ayokong maabala si Dart.Ayokong madamay si Zeff. Ayoko ang parehas na alok ni Dart at Zeff. Handa silang maging tatay ng anak namin ni Jin. Ayoko kasi sobrang unfair noon para sa kanila. Isa pa, gusto ko si Jin lang ang tumayong tatay ng anak ko dahil siya naman talaga ang dapat! Tangina kasi may Nao pang dumating!

Mariin akong pumikit at malalim na bumuntong hininga. Napagdesisyonan ko na ito pero hindi pa rin ako handa. Ngunit kailangan eh. Wala na kaming mapupuntahan ng anak ko.

Uuwi na ako sa amin kung saan naghihintay ang pamilyang nilayasan, pinagmalakihan, at niloko ko.

Tumulo ang luha sa mga mata ko habang nakapikit. Nanatili ako sa ganoong posisyon nang biglang may kumatok. Hindi ko muna minulat ang mga mata ko at inisip kung sino ang bibisita sa akin sa ganitong oras? Hating gabi na... Hindi kaya...

Jin?

Parang may humaplos sa puso ko nang maisip kong binalikan niya ako. Kakaibang init ang namuo sa bawat kalamnan, ugat, at dugo ko habang tumatayo at papunta sa pintuan. Pakurap kurap pa ako habang dahan-dahang binubuksan ang pinto.

Touch Me AnywhereTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang