Chapter 15

10.2K 186 2
                                    

Chapter 15

First Day

I'm falling.

But it doesn't mean that I'm falling in love with him.

No. It can't be.

This is just an attraction. I'm attracted to him because despite the fact that he is dangerous and harsh, he is handsome and undeniably sexy hot. Of course, I'm just a girl and it can't be help.

"Sabihin mo na kasi sa akin, Tifa. Saan galing ang pera mo? Paano mo nabayaran ang balance mo last sem? Isang malaking himala na magkaroon ka ng ganoong kalaking pera sa maikling panahon," sabi ni Marsha at hindi makapaniwalang nakatitig sa aking bag at black shoes na binili ni Jin para sa akin.

Umirap ako lalo na nang tignan niya ang tatak ng bag ko. Kanina pa siya hindi makaniwala na mayroon akong ganitong bag. This bag is expensive, I know. Ito ang kadalasang nakikita kong ginagamit ng iba kong kaklaseng mayaman.

My feet were feeling comfortable, too. Ito siguro ang advantage kapag mahal at orginal ang sapatos.

Umirap ako at tinampal ang kamay ni Marsha palayo sa aking bag. "Dumiskarte ako. Wag mo nang tanungin kung paano. It's my dark secret." Kumindat ako.

Suminghap siya. "Kwento, please! Saan mo nakuha ang pera mo? Tsaka bago ang laptop mo! MacBook pa!"

Tumawa ako at umiling. Sorry, Marsha. Kahit kaibigan kita, ayokong ikwento sa'yo kung anong ginagawa ko sa aking buhay para lang magkaroon ng pera.

"Basta may sugar daddy akong nagsusuporta sa akin," natatawang sabi ko.

Nanlaki ang mga mata niya. "What the hell? GRO ka na?"

Parang may tumusok sa aking dibdib dahil sa sinabi niya. Oo. Parang ganoon na nga.

"Hindi, 'no..." pabulong ko sabi at umiwas ng tingin. "Tara na nga! Malelate na tayo!"

It's Monday at it's our first day of being a second year college. Isang subject ko lang kaklase si Marsha dahil block ang nakuha niya, samantalang ako ay paiba-iba ang sched. Namomroblema tuloy ako kasi paniguradong mahihirapan akong mag-adjust lalo na't bawat subject ay iba-iba ang kaklase ko.

Ito ang disadvantage kapag late nag enroll.

Naghiwalay kami ni Marsha dahil sa second floor lang ang room niya, samantalang ako ay sa sixth floor pa kaya kailangan kong mag elevator. Pumila ako at gusto kong mapairap nang ilan sa mga "fangirls" ni Zeff ang tumitig sa akin.

Fuck naman. Hindi ko na boyfriend ang idol niyo sa bakit ganyan pa rin kayo makatitig! I wanted to scream.

Ngumiwi ako sa kanila. Suminghap sila at umirap sa akin. Gusto kong hablutin ang mga buhok nilang blonde. Ang sarap sigurong gupitan ng mahahaba nilang buhok.

Kinainis ko nang sabay kaming pumasok ng isa sa mga "fangirls" ni Zeff sa room. At gusto kong umirap nang makitang nakaupo si Zeff sa pinaka dulo. Nang namataan niya ako ay agad siyang tumayo at lumapit sa akin. Nanatili ako sa harap at pinagmasdan ang pagpunta niya sa akin. Nasa tabi ko ang fangirl ni Zeff at pasimpleng kinikilig.

"Hey..." bakas sa boses niya ang pagkabigla. "I never thought... I... Uh... We are blockmates, I guess?" he stambled for words.

What the actual hell. He seemed so nervous in front of me.

I kept my straight face when I confronted him.

"You're being an idiot in front of me, Zeff. Stop it."

Touch Me AnywhereWo Geschichten leben. Entdecke jetzt