Chapter 12

10.2K 191 3
                                    

Chapter 12

Stay

Panay ang tingin sa akin ni Cid habang kumakain kami sofa. Wala akong biniling mesa dahil hindi ko naman naisip na may bibisita sa akin.

Mabuti na lang nang dumating sila sa dorm ko ay kakaalis lang nina Jin. Thank God hindi nila naabutan ang mga yakuza na iyon. Hindi ko ata alam kung anong sasabihin ko kay Marsha pag nakita niya sina Jin.

May dalang take-outs si Cid kaya nakalibre na naman ako ng hapunan.

"Why are you looking at me?" I asked Cid.

"Namiss lang kita..." ngumiti siya.

Oh. That charming smile again.

Sa gilid ng mata ko, nakita kong ngumiti si Marsha ng nakakaloko. Natawa ako at nagpatuloy na lang kumain.

Isang beses kong sinulyapan si Cid. Hindi siya nakatingin sa akin dahil nakatutok ang mga mata niya sa kanyang cellphone. May nagtext ata sa kanya. I took that chance to examine his charming face.

Medyo maputi ang kanyang balat at matangos ang kanyang ilong. Ang mga mata niyang lumiliit kapag ngumiti ay nakakatuwang tignan. Manipis din ang medyo maputla niyang labi. Tumagal ang titig ko sa labi niya at naabutan niyang nakatingin ako roon. Ngumiti siya at umiwas agad ako ng tingin.

"Why are you looking at my lips, Tifa?" nangingiti niyang tanong.

"It's none of your business if I want to look at your lips..."

Napasinghap si Marsha sa aking tabi. "Kaya ang daming nagsasabing pa-fall ka, Tifa. Walang tanggi tanggi. Amin agad."

"But it's my lips. It's my business..." ani Cid.

Umirap na lang ako at hindi sila pinansin.

Pagkatapos naming kumain ay tumunganga lang kami. Wala akong tv. Sira ang aking laptop. Wala kaming mapaglibangan.

"Magpapaload lang ako..." paalam ni Marsha at lumabas ng dorm ko.

Nagkatinginan kami ni Cid. Hindi ko siya tinantanan ng titig dahil natutuwa akong tignan ang mga mata niya. Bumaba ang mga mata ko sa maputla niyang labi. Kinagat niya iyon.

"Stop looking at my lips, Tifa..."

Pagtingin ko sa kanya, namumula na ang kanyang mga pisngi. Tumawa ako.

"By the way, paano mo nakuha ang number ko? Bakit nakasave na sa contacts ko ang number mo?" bigla kong tanong.

"Noong bigla ka na lang hinila ng lalaking iyon noong nasa Horizons tayo, agad namin pinuntahan si Marsha. Tawag nang tawag si Zeff sa'yo pero na kay Marsha pala ang phone mo. Sa taranta niya nang malamang may humila sa'yong lalaki, binigay niya sa akin ang phone mo. I saved my number on your phonebook and I texted my number using your phone. And that's how I got your number..."

Tumango ako. Naalala ko na naman ang ginawang pag kidnap sa akin ni Jin.

"Sino ba ang lalaking iyon?" agarang tanong niya.

"Sinong lalaki?" kunwari ay hindi ko alam ang tinutukoy niya.

"Iyong lalaking humila sa'yo... He's covered with tattoos. We got scared by the way he looked at us."

Ngumisi ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko naman sila pagtatawanan kung natakot sila kay Jin. It's a normal reaction to do when you see a guy like Jin.

"Wala 'yon. Just a random guy I know."

Kinagat niya ang kanyang labi at alam kong gusto niya pang magtanong pero pinigilan niya ang sarili niya.

Touch Me AnywhereWhere stories live. Discover now