Chapter 4

11.4K 189 18
                                    

Chapter 4

Ichijo Yakuza

"This is kidnapping," I said while looking at Sir Jin's distorted face.

He looked so angry. What the hell? Ako dapat ang magalit dahil sa ginagawa niya ngayon.

Tumingin siya sa akin. Akala ko magsasalita siya pero nanatili lang ang mga luntian niyang mga mata sa akin.

Umandar na ang van palabas ng parking space ng Horizons. Mas lalong kumalabog ang puso ko sa kaba. Kinakabahan ako pero hindi ko pinahahalata sa kanila. No way. They will take advantage of me if they saw me getting scared because of them.

"Stop the van..." I gritted my teeth.

Parang walang narinig iyong lalaking nasa driver's seat. Sinulyapan lang niya ko sa rear view mirror at ngumisi. Damn.

"I said... stop the fucking van!" I shouted.

Naramdaman ko ang ilang pares ng mga matang tumingin sa akin. Pakiramdam ko ay unti-unti akong nanliliit dahil sa mga nakakatusok nilang titig. Lalo na itong si Sir Jin...

Tinapunan ko siya ng masamang tingin. Hindi ako matatakot sa kanila.

"Why are you doing this?" mariin kong tanong. Kumunot ang noo niya. "I'm going home. Ipatigil mo ang van."

"You can't go home yet," he declared.

"At bakit?!" singhal ko.

"Because I said so..." sabi niya at sumandal sa upuan. "Just shut your mouth, little girl."

Napasinghap ako sa pagtawag niya ulit sa aking little girl. Fuck him.

I was ready to slap him when he held my hand to stop it from landing on his face. I cringed. It hurts!

"Let go of my hand..." I said in a warning tone.

Masakit ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero nanatili akong kalmado.

He smirked. "What if I don't like?"

Hysterical akong napatawa. Tumaas ang kilay niya. Nanahimik ang mga kasama niya at alam kong pinapanood nila kami ngayon. Pwes, ipapakita ko sa inyong lahat kung paano kalabanin ang boss niyo.

Kinuyom ko ang isang kamao ko. Nahalata niya ang pagtaas ng isang kamay ko pero huli na ang lahat para pigilan niya ang pagpunta ng kamao ko sa kanyang mukha. Tumama ang suntok ko sa kanyang baba at gusto kong magtatalon sa tuwa nang dumaing siya sa sakit.

Panay ang singhap at mura ng mga kasama niya dahil sa ginawa ko. Nabitawan ni Sir Jin ang kamay ko.

Matalim kong tinignan ang lalaking nasa driver's seat. Nakaawang ang bibig niya habang sumusulyap sa amin.

"Stop the fucking car!" sabi ko pero hindi niya ko sinunod.

Minura ko siya. Ilang beses ko pa siyang minura dahil sa hindi niya pagsunod sa sinabi ko bago ko hinawakan ang pinto ng van at binuksan iyon. Binuksan ko 'yon kahit umaandar pa ang van. Narinig ko ang ilang malulutong na mura nilang lahat. Ang iba nga sa mga sinabi nila ay hindi ko alam. They were sounded like Chinese or Japanese...

"Fuck," Sir Jin's baritone voice echoed on my mind.

May humawak sa baywang ko at hinila ako palayo sa pinto ng van. Humampas ang aking likod sa isang matigas na katawan. Mabilis at malakas ang kalampag ng dibdib ko sa kaba. Hindi ko alam kung kinakabahan ako dahil sa ginawa ko o dahil pinapalibutan ako ng mga mafias sa loob ng isang van.

Touch Me AnywhereTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang