Chapter 6

10.9K 189 10
                                    


Chapter 6

Underground Tunnel

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising ako sa amoy ng sigarilyo. Nakasimangot ako nang maabutan ko si Jin na nakaupo pa rin sa couch. Ganoon pa rin ang posisyon niya ngunit may hawak na siyang sigarilyo sa kamay niya at isang tasa ng kapeng nakapatong sa coffee table.

Busy siya sa pagtingin sa cellphone niya. Nalipat lang ang tingin niya sa akin nang umupo ako.

"Are you awake already? It's still early."

"I didn't plan to sleep anyway. Nakatulog lang ako."

Tumaas ang kilay niya sa akin bago bumalik ang kanyang paningin sa cellphone. Hindi ba siya natulog? Natutulog ba ang isang 'to?

Teka, bakit ba ko interesado kung natulog ba siya o hindi? May paki ba ko sa kanya? Wala.

"Stop smoking," irita kong sambit.

"You don't tell me what to do, little girl." Humithit siya ng sigarilyo bago tumayo.

"Hindi naman pala ako ang masusunod dito! Mas mabuti pang umuwi na ko!" sabi ko at tumayo na rin.

Napairap ako nang itapon niya ang sigarilyo kung saan lang sa loob ng kwarto niya. This guy is an idiot. Stupid. Bastard.

Walang pasabing tinalikuran niya ko. Napasinghap ako nang naglakad siya palabas ng kwarto. Hinabol ko siya at hinawakan sa braso. Pumiglas siya kaya napalayo ako sa kanya.

"Dammit!" I cursed. "Uuwi na ako! Kailangan kong humanap ng trabaho! Wala akong mapapala rito! Lalong lalo na sa'yo! Kailangan ko ng pera!"

Nanliit ang mga mata niya. "You need money?"

"Yeah. So?" I crossed my arms.

"I see that you're just a poor little girl." He smirked.

Nalaglag ang panga ko sa pang-aasar niya. Sinugod ko siya at tinulak tulak. Hindi naman niya ko pinigilan. He was just smirking at me like a stupid bastard.

"So what if I'm just a poor?! So what kung lumayas ako at ngayon ay wala akong pambayad sa tuition fee ko?! So what, Jin?!" halos sumabog na ko sa inis.

Nahuli niya ang mga kamay kong tumutulak sa kanya. His smirk became wide.

"You just admitted that you're poor." Pinasadahan niya ko ng tingin na sobra kong kinainis. Tinulak ko siya. Nabitawan niya ko. Bumilis ang paghinga ko. "Hindi halatang mahirap ka. You have a nice and sexy body. You are beautiful too. I guess your parents did take care of you a lot."

"What the fuck?" I yelled.

"Minus the cursing and your brave and wild attitude," aniya. "Those traits will be the cause of your death. Behave properly when you're with me."

"Why would I do that? I'm not scared at all," mariin kong sabi at masama siyang tinitigan.

Narinig ko ang tunog ng takong ng kanyang boots nang lumapit siya sa akin. Hindi ako umatras o gumalaw man lang. Gusto kong ipakita sa kanyang hindi talaga ako nasisindak o natatakot sa isang katulad niya.

I stayed still where I was. He leaned forward at me.

"I'll pay you if you come with me at the underground auction."

Nagpintig ang mga tenga ko sa alok niya. "I'm not interested in your money," sabi ko kahit gustong gusto ko nang tanggapin ang alok niya.

Sasama lang naman ako sa kanya, diba? At babayaran niya agad ako. How much is the fee, anyway?

Touch Me AnywhereWhere stories live. Discover now