Chapter 1

16.9K 288 23
                                    

Chapter 1

Little Girl

Madilim.

Iyon ang una kong nadatnan nang lumabas ako sa isang sikat na fast food chain. Nag-apply ako bilang working student pero hindi ako tinanggap. Aniya ay hindi raw sila tumatanggap ngayon.

Sus, if I know, ayaw lang talaga nila sa akin. Ang saklap lang.

Umupo ako sa bangketa ng parking space ng fast food chain. Nasapo ko ang mukha ko.

Pagod na pagod na ako. Sa apat na fast food chain na pinuntahan ko, isa lang ang hiring ngayon at hindi pa sigurado kung matatanggap ako dahil marami na raw ang nag-apply. Tatawagan na lang daw nila ako.

Napabuntong hininga ako at pinagmasdan na lang ang madilim na paligid.

Maingay ang kalsada ng Morayta. Gabi na pero ito ako, wala pa ring nahahanap na trabaho at matutuluyan. Pasalamat na lang ako at bakasyon kundi hindi ko alam ang gagawin ko.

Saan ako hahanap ng pambayad ng tuition fee ko? Ang pambaon ko? Ang pambayad sa uupahan ko? Ang pambili ko ng pagkain?

Inilabas ko ang cellphone ko para sana tawagan ang mga blockmates kong malapit lang dito pero agad akong tinamaan ng hiya kaya tinago ko ulit ang cellphone ko sa bulsa.

Kung alam ko lang sana na ganito ang mararanasan ko, sana hindi na ako lumayas ng bahay. Pero kasi pinangunahan ako ng emosyon ko. Alam kong ako ang may kasalanan pero hindi ko magawang aminin iyon sa harap ng pamilya ko.

Hindi naman kami mahirap pero hindi kaya ng pamilya ko ang tuition fee sa Far Eastern University. Ang ate ko ang nagpapaaral sa akin dahil walang trabaho ang papa at mama ko. Maayos naman ang grades ko noong unang taon ko sa college. Hindi sayang ang sakripisyo ng ate ko pero nitong bakasyon, nalaman kong nawala ang reserved block section ko dahil hindi pa nababayaran iyong balanse sa tuition fee ko noong last semester at hindi pa rin ako enroll.

Syempre ang naging reaksyon ko ay ang mainis kasi ang ganda ng napili kong block at schedule pero nawala iyon kasi hindi nabayaran ng ate ko ang balanse ng tuition fee ko at pati ang downpayment para makapag enroll na ko sa susunod na semester. Kaya tinext ko siya.

Wala siya sa bahay noong tinext ko siya kaya kinabukasan pag-uwi niya ay nagalit siya sa akin.

"Ang bastos bastos niya! Kung makapagsalita siya ay akala mo may pinatago siyang pera sa akin. Bakit ganyan iyan? Wala man lang utang na loob! Hindi ko naman obligasyong pag-aralin siya, ma, kasi may anak din akong kailangan kong tustusan! Siya na nga itong tinutulungan, tapos siya pa itong walang galang sa akin! Tignan niyo iyong text niya! Nagpapakahirap ako sa trabaho para mabayaran iyong napakamahal na tuition niya tapos ito ang maaabutan kong text niya! Wala man lang pambobola o kahit pakitang tao lang! Babayaran ko naman iyong balance sa tuition niya, eh. Kaso kulang pa kasi..."

Nag-echo sa dalawang tenga ko ang boses ng ate ko kinaumagahan. Kagigising ko lang noon at narinig ko ang usapan nila ng mama't papa ko.

Nagkunwari akong tulog at pinakinggan pa sila lalo. Nasa labas lang sila ng kwarto ko.

"Ma, pagsabihan niyo nga po iyang si Tifanny! Sa'yo lang naman po makikinig iyan," singhal ng ate ko.

"Iyan talaga ang pinakabastos sa lahat ng anak mo, eh. Bakit ganyan iyan? Pagsabihan mo nga 'yan. Kahit sa atin, ganyan iyan," dagdag ng papa ko.

"Kung utusan niya akong bayaran iyong tuition niya ay parang boss. Nakakabadtrip! Bahala siya! Hindi ko na siya pag-aaralin! Kung gusto niyang makatapos ay mag working student siya! Paghirapan niya! Ayoko na! Hindi pa nga nakakatapos, ang yabang yabang na!"

Touch Me AnywhereWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu