UEM 01: Classica

45 3 1
                                    

UEM 01: Classica

"This is your third malpractice in this damned month, Minah! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!"

I remained silent, letting the head healer who also happened to be my aunt scold me. I really have nothing to say. She has every right to get mad at me.

"You almost killed your patients! Alam mo namang galing sila sa mga prominenteng pamilya?! Ano na lamang ang sasabihin nila? Ng ama mo?" patuloy niya, hinihingal na sa sobrang galit sa 'kin.

Although I know what I did was wrong, I just can't feel regretful about it. I did it on purpose. It doesn't matter if it's righteous or not.

"Malapit ko nang isipin na sinasadya mo ang lahat ng ito! Hindi ka naman ganito sa unang dalawang taon mo rito? Mukhang gusto mo talagang mapatalsik sa pagamutang ito?!" singhal niya at ginulo-gulo ang nakalugay na buhok sa iritasyon.

I took a deep breath and did my best to look sad about what happened. I don't want her to think that I'm just fooling around because I'm not. Lalong ayaw kong mapaalis dito habang wala pang pinatutunguhan ang mga ginagawa ko.

"Minah... all your life you've been receiving special treatment from everyone! But I hope that you don't apply your selfishness here. Be competent! You know how important this is for our family!" she said sternly as she looked at me with warning eyes.

Tumango-tango ako para kumalma siya kahit papaano. Tita Sancha and I are very close. She rarely gets mad at me. She always sides with me even though I am in the wrong. She's way more supportive of me than my parents. That's why seeing her mad at me like this makes me think that I really had overdone it.

But again, it doesn't matter. I already did it.

She sighed harshly and rolled her eyes at me. "Babantayan ko ang mga kilos mo sa susunod. Pero sa ngayon, umuwi ka na muna at asikasuhin mo ang ipinag-uutos ng ama mo. Make sure you don't mess up this time dahil hindi ko na rin talaga alam ang gagawin ko sa iyong bata ka..." she said in a calmer voice.

Tita Sancha is my father's youngest sibling. Ilang taon lang ang tanda niya sa akin. She always wants attention and validation from him. Kaya hindi ko siya masisisi kung bakit ganito ito ka-big deal sa kanya.

I nodded weakly and softly met her gaze. "I'm really sorry, Tita. It won't happen again." I smiled and bit my lower lip. Muli niya akong inirapan.

May sasabihin pa sana siya nang may malalakas na yabag kaming narinig patungo sa direksyon namin. Sabay kaming napalingon sa hagdanan kung saan nagmumula ang ingay at natanaw namin si Raia, ang kapwa ko assistant healer.

Kung pagbabasehan sa ekspresyong mayroon siya, alam kong isa itong malaking balita.

"Healer Sancha! May bago pong pasyenteng in-admit! Ang binatang Ferocia po!" she told us panicking.

"Ferocia?" ulit ko sa binanggit niyang apelyido. Isn't that...

I quickly turned to Tita Sancha when I realized who the Ferocias are. Kitang-kita ko ang pagtakas ng dugo sa mukha niya.

"Bakit dito pa dinala?! Ang laki-laki ng hospital sa Capital, dito pa talaga?!" galit niyang tanong pero bakas sa boses niya ang pagkataranta.

I couldn't help but feel negative about the situation as well. Ferocias don't belong here.

"Naku, mukhang napaaway po kasi. Kinursunada. Dinig ko ay napadaan siya rito sa Timog para kumuha ng mga libro na inutos sa kanya ng eskuwelahan. Ito po kasi ang pinakamalapit na pagamutan..." paliwanag ni Raia na mukhang natatakot na rin sa reaksyon ni Tita.

Classica: Under Eternal MirageWhere stories live. Discover now