CHAPTER I: HOW WE STARTED

1.3K 124 161
                                    


🍯🍯🍯

"Dad!" Sigaw ni Honey habang pilit na kinukuha ang atensyon ng aming ama na abala sa paglalagay ng mga gamit sa itaas na parte ng kinauupuan namin. "Saan ba talaga tayo pupunta? Bakit kailangan pa nating sumakay ng airplane? Malayo ba talaga?" Usisa n'ya pa na ikinatawa ni Daddy.

"Chill, huwag mo kong barilin ng napakaraming tanong." Tawa niya saka bumaling kay Mommy. "Mahal, nalimutan mo bang sabihin na sa Europe ang punta natin?" Tanong niya na ikinangiti ko pero wala naman doon ang atensyon ng kapatid kong makulit, paniguradong nasa sinambit na lugar ang antensyon niya.

Nanlaki ang mga mata ni Honey at exaggerated na tumili kaya naman agad na tinakpan ni Harry ang bibig niya, pumalag ang makulit at kumawala. "EUROPE?!" Hindi makapaniwalang ulit niya na halos isigaw na iyon sa sobrang gulat.

Napailing ako saka hinawakan siya. "Tama na 'yan," awat ko.

Natawa na lamang sila Mommy sa iniaasal niya saka sabay na tumango, matapos mag-ayos ay naupo na rin si Daddy at ng ianunsyo na lilipad na ang eroplano ay umayos na kami ng upo saka nagsuot ng seatbelt.

Napasaltak ako saka tinulungan si Honey ng makitang hindi niya maayos ang seatbelt. "Kuya, hindi ka ba na-eexcite? 'Di ba pangarap mo 'to?" Usisa na naman niya kaya napabuntonghininga ako.

"Excited," sagot ko na ikinasalubong ng mga kilay niya.

"Excited ka na niyan?"

"Bakit kailangan bang ipahalata?"

Sumimangot siya. "Kuya naman! Matuto ka namang mag-express ng nararamdaman mo! 'Di 'yong lagi ka na lang masungit, kunot ang noo at tahimik."

Hindi na ako umimik at bumalik sa binabasa kong libro matapos ayusin ang seatbelt niya.

Tama naman siya, bata pa lamang ako ay pangarap ko ng makarating sa lugar na iyon. Malinaw ko pang naaalala na halos araw-araw kong kinukulit sila Daddy noon para lamang doon kami magbakasyon, gandang-ganda kasi ako sa Europe kahit pa sa mga litrato ko lamang napagmamasdan 'yon.

Kaya lamang ay sa paglipas ng panahon nawala na doon ang atensyon ko at nagbago na rin ang mga bagay na gusto kong maabot.

"Kuya look!" Sigaw na naman ni Honey matapos iabot sa kan'ya ni Daddy ang mapa, hinawakan niya ang braso ko saka inalog ako. "May mapa si Daddy ng Europe!" Pagpiprisinta niya sa akin saka iniharang sa harapan ko ang mapa.

Napasaltak ako saka tiningnan siya. "Hindi ako bulag, huwag mong idikit sa mukha ko." Inis na sabi ko saka kinuha 'yon sa kanya.

Napalabi siya. "Bakit ba kasi itinabi ako saiyo!" Naiinis ng reklamo niya.

"Wala kang choice, wala si Hannah." Inayos ko ang pagkakahawak sa mapa saka tiningnan iyon, 'di nagtagal ay lumapit siya saka nakitingin na rin sa mapa. Paglipas ng ilang sandali ay nag-umpisa na naman siyang dumaldal ng dumaldal na ikinabuntonghininga ko na lang.

"Mom, saan po ba tayo tutuloy?" Tanong na naman niya ng nasa loob na kami ng sasakyan.

"Sa kalsada ka tutuloy," sagot ni Harry. "Ang ingay, ingay mo." Inis na dagdag niya, hindi pa rin talaga siya masanay-sanay sa kaingayan ni Honey.

"Kuya Andy inaaway ako ni Harhar oh!" Sumbong ni Honey kaya nag-angat ako ng tingin mula sa binabasa kong libro.

"Sa sarili nating bahay tayo tutuloy." Sagot ni Mommy saka binalingan si Harry. "Ibaba mo nga 'yang paa mo!" Saway niya, agad namang umayos ng upo ang nasaway na bata.

Agad na napunta kay Mommy ang atensyon ni Honey. "We have?!" Gulat na tanong niya.

"Of course, we have." Napapatangong sagot ni Mommy.

HappinessWhere stories live. Discover now