CHAPTER XXXIX: UNSAID

64 20 0
                                    

🍯🍯🍯

"Jane!" Gulat na sambit ko ng makita siyang tumatayo mula sa kama, dali-dali ko siyang nilapitan saka inalalayan ngunit hindi rin naman nagtagal ay hindi niya na kinaya ang bigat ng katawan niya at napayakap na lamang sa akin habang ang lahat ng bigat niya ay sa akin na nakaasa.

Napabuntonghininga ako. "Bakit ba nagpipilit ka?" Naiinis na tanong ko.

Bahagya siyang humiwalay saka tiningnan akong maigi. "Tatlong oras lang ang lumipas simula ng sumakit ang ulo mo pero kung kumilos ka ay para bang hindi nangyari iyon."

Napakunot ang noo ko. "Ano namang kinalaman-"

"-Gusto ko ng makalakad ulit,"

"Jane-"

"-pumayag na rin naman ang doctor," pagpapaalala niya, katulad kasi ng sabi ko ay nagtungo kami sa doctor niya para tanungin ang tungkol sa therapy niya at pinayagan na siyang maglakad paunti-unti bagay na ikinangiti niya ng araw na iyon.

"Pumayag ang doctor pero ang sabi ay huwag mong pwersahin." Inalalayan ko siya paupo sa kama. "Hindi mo pwedeng pwersahin ang mga binti mo."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Kaya ko naman!" Sigaw niya.

"Alam kong kaya mo," napasaltak ako. "Pero hindi ibig sabihin no'n ay kailangan mo ng pwersahin ang sarili mo."

"Ayoko ng maging pabigat sayo." Seryosong sabi niya saka inalalayan ang pag-angat ng binti niya at maingat na inilapag sa kama, akmang tutulungan ko siya ay agad niyang pinigilan ang mga kamay ko. "Kahit pa ilang beses mong sabihing hindi ako pabigat, alam kong nakakaabala na ako ng husto sayo."

"Jane, bakit ba kailan mong isipin 'yan?"

"Iisipin ko 'to dahil halata namang stress ang dulot sayo ng pagtulong sa akin!" Inis na sigaw niya. "Kahit hindi mo sabihin, ramdam kong pagod na pagod ka na. Ramdam kong nahihirapan ka na!"

Napasaltak ako. "Jane-"

"-huwag ka na kasing magsinungaling! Sabihin mo na kasi sa akin!"

Napakurap-kurap ako, pakiramdam ko'y parang niyanig ang isip ko ng marinig iyon mula sa kanya. Napakunot ang noo ko at napabuntonghininga. "Sabihin mo sa akin, bakit naiisip mo 'yan? Did I made something that cause you to feel like I'm tired on you?"

Umiling siya saka napaiyak. "Wala, p-pero kung ako nga napapagod na paano pa kaya i-ikaw?" Gamit ang likod ng mga kamay ay pinunasan niya ang mga mata niya na para bang bata siya. "Kung a-ako nga n-nahihirapan sa sitwasyon ko, i-ikaw pa kaya."

Muli akong napabuntonghininga saka lumuhod sa harap niya, nanlaki ang mga mata niya dahil doon. "Jane," seryosong sambit ko sa pangalan niya. "Hindi ko itatago na napapagod ako, alam ko rin namang halata mo iyon. Hindi ako magsisinungaling, nahihirapan ako."

Muling umagos ang mga luha niya, maingat na pinunasan ko iyon. "Ngunit kahit ganoon, hindi ikaw ang dahilan kung bakit napapagod at nahihirapan ako."

"H-hindi ako?" Naguguluhang tanong niya saka namula.

"Totoong nakakapagod pagsabayin lahat, napakahirap ayusin ng lahat ng bagay para lang magawa ko lahat ng kailangan kong gawin pero hindi ibig sabihin no'n na kasalanan mo na. Napaka-demanding niyong tatlo pero pinipilit kong kayanin kahit pa gaano kahirap. Alam mo kung bakit?" Umiling siya. "Kinakaya ko kasi kailangan kong maka-graduate on time, kinakaya ko kasi kailangan kong magkaroon ng source of income, higit sa lahat kinakaya ko kasi kailangan kita."

"K-kailangan mo ko?" Hindi makapaniwalang ulit niya.

Tumango ako habang nakatingin sa mga mata niya. "You are that particle that gives me an energy to continue my days, you light up those darkest moments, this may sound stupid but I rather lost my diploma or even my job and I'll still be fine. Yet losing you can turn my damn fucking world upside down." Napakurap-kurap siya ng marinig iyon, alam kong sumobra ako. Hindi iyon ang dapat niyang marinig ngunit ganoon pa man, iyon ang nais na sabihin ng puso ko at kahit isang beses lang susubukan kong iyon naman ang pakinggan.

HappinessWhere stories live. Discover now