CHAPTER VIII: I'LL WAIT

166 86 20
                                    


🍯🍯🍯

Ilang oras bago ang pasko abala na ang lahat sa pag-aasikaso ng mga dapat ihanda para bukas. Kaliwa't-kanan ang mga katulong na pabalik-balik habang bitbit ang kung ano-anong mga kailangan, hindi lamang iyon, maririnig mo rin ang boses ni grandma na panay ang utos sa mga ito.

"Handrex!" Napaigtad ako dahil sa sigaw na iyon.

Agad-agad ko siyang tiningnan at ang nakasimangot niyang mukha ang bumungad sa akin.

"Ano ba kasing iniisip mo?" Naiinis na tanong niya. "Sabi ko tulungan mo ko e."

"Sorry." Inalalayan ko siyang umakyat sa hagdan saka iniabot sa kanya ‘yong mga decorations na kailangang isabit sa christmas tree.

"Here's the star." Sabi ko saka ibinigay sa kanya.

Kinuha niya iyon at inilagay sa tuktok ng christmas tree. Matapos ‘yon ay inalalayan ko siyang muli para naman bumaba.

"May gagawin ka pa?"

"Tutulong akong mag-ayos ng hapag para mamaya."

"Hindi ba pwedeng sila na lang ang gumawa noon? Marami namang-"

Itinaas niya ang kamay at itinapat sa bibig ko. "Hep!” pigil niya. “Handrex, nangako ako kay mamita na tutulong ako."

Napabuntonghininga ako. "Fine, sige na gawin mo na."

Ngumiti siya saka ipinulupot ang braso sa braso ko. "Hindi ka naman nagtatampo 'di ba?"

"Hindi."

"Totoo ba?" Bumitaw siya saka tiningnan akong maigi.

Naupo ako sa sofa. "Yes, now go. I'll wait you here."

"Okay." Sabi niya saka pumasok na sa kusina.

Makalipas ang tatlong oras nakita kong pumasok sa kusina si Harry.

"Si Emerald?" Tanong ko ng mapadaan siya sa akin matapos manggaling sa kusina.

"Nandoon, tinutulungan si grandma na magluto."

Napangalumbaba na lang ako. Sabi niya tutulong lang siya sa pag-ayos ng hapag pero pati sa pagluluto tumulong na din siya.

Iniunat ko ang likod ko saka sumandal sa backrest ng sofa. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako kung hindi ko pa naramdamang may mahinang tumatapik sa pisngi ko.

"Handrex, gising na." Rinig kong sabi niya. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko siyang nakatayo sa harapan ko.

"Tapos ka na?" Kinusot ko ang mga talukap ng mga mata ko kasabay ng pagtango niya.

Tiningnan ko ang relo na suot ko at pasado alas-otso na ng gabi.

Tumayo ako. "Halika na."

Inilahad ko ang kamay ko sa harap niya at tinanggap naman niya iyon.

Magkasama kaming umakyat sa taas patungo sa silid niya.

"Handrex."

"Hmm?"

Muli niyang ipinulupot sa braso ko ang braso niya. "Pasensya ka na hah."

Kumunot ang noo ko. "Saan?"

"Kanina, pinaghintay kita ng matagal."

"Wala ‘yon, ayos lang."

Nag-aalangang ngumiti siya. "Ayoko lang kase talaga na hindi tinutupad ang binitawan kong pangako."

Nginitian ko siya. "Alam ko at ayos lang ‘yon."

Umiling siya. “Hindi ayos 'yon, pinaghintay kita ng matagal.”

HappinessWhere stories live. Discover now