CHAPTER XXI: CREDENCE

109 64 0
                                    

🍯🍯🍯

Kinabukasan maaga pa lang ay nangangatok na sila Lorenzo, pikit pa ang mga mata ko at inaantok ay wala akong nagawa kundi sumama sa kanila papunta kanila Jane.

"Buti pwede si Handrex?" Rinig kong usisa ni Lorenzo kay Kristel.

"Wala ang daddy nila kaya pwede 'yan, kung nando'n edi ipuslit na lang. Basta 'di na ko mapanatag!" Sagot sa kanya ni Kristel.

Hindi ako umiimik at panay lang ang sunod sa kanilang dalawa hanggang sa makarating kanila Jane, dire-diretso lang sila ng pasok hanggang sa kusina kung saan namin narinig ang ingay. "Tang-ina talaga!" Rinig naming sigaw ni Jane, napataas ang sulok ng labi ko ng mapansing malayo na sa kagabing awra niya ang awra niya ngayon. Para bang bumalik na naman ang matapang na kinaiilagan ng lahat.

"Ang aga naman ng mura." Sabi ni Kristel. Napatingin sila sa amin, napatili si Jane at agad na sinugod ng yakap si Kristel.

"Omyghad! you are back!" Tuwang-tuwang tili niya, tumawa lang ang babae.

Nang maghiwalay sila ay nagbalikan ang lahat sa kanya-kanyang pwesto, naupo na lamang ako sa tabi ni Jam na nasa may island counter samantalang si Lorenzo ay sumandal sa pader. Nagkukwentuhan lang sila at nagpapalitan ng kuro-kuro tungkol sa mga posts kahapon.

"Wala namang ibang nakakaalam no'n e." Sabi ni Kris.

"Maliban sa ating lahat na nandito." Tiningnan kami ni Nicky. "Alam niyo?"

Tumango lang kami ni Lorenzo. "Kung alam niyo, ibig sabihin sinong nagkalat?" Tanong ni Rio

"That's not me." Tanggi ni Lorenzo.

"Ikaw?" Tanong ni Rio sa akin, nagkibit-balikat lang ako saka bahagyang umiling bilang sagot.

"Kuya Rio 'wag mo nga silang pagbintangan! Mga kaibigan 'yan ni Kuya Jam." Sita ni Jane.

"E 'yong manliligaw mo may alam ba?" Tanong naman ni Erick.

Sumimangot si Jane. "Wala, ni hindi naman ako nagkukwento."

Tiningnan ko ang wrist watch na suot ko, malapit na magtanghalian.

"Kumain na kayo?" Tanong ko kay Jam na tahimik lang habang nakapangalumbaba.

Umiling siya saka isinenyas ang kamay. "Do whatever you want, paki-bilisan gutom na ako." Sabi niya na mukhang naintindihan ang iniisip ko, sumaltak lang ako at kumilos na.

Hindi ko na pinakinggan pa ang naging usapan nila, wala namang saysay ang mga iyon dahil puro barahan, asaran at kuro-kurong wala namang basis.

Kumilos ako at kusang kumuha ng mga ingredients para sa lulutuin pagkatapos ay inihanda ko ang mga iyon saka niluto. Bago sumapit ang tanghali ay tapos na ako, tumayo naman si Jam at lumapit si Lorenzo para maghain.

"Oy! Ang sarap ah!"

"Marunong pa lang magluto itong si Handrex e!"

Kanya-kanya silang reaksyon at puri sa niluto ko pero hindi ako umiimik at tahimik lang na kumakain, saglit akong nag-angat ng tingin para tingnan sila at ng magawi ang tingin ko kay Jane ay nag-thumbs up siya. Bahagya lang akong tumango at ibinalik na ang tingin sa pagkain, napaangat lang ulit ako ng tingin ng sanggiin ni Jam ang balikat ko.

"Isa ba 'to sa paghahanda mo para sa pagbalik niya?" Mahinang tanong niya na bahagya ko ding ikinatawa.

"Nako Maria!" Sigaw ni Jane dahilan para mapatingin kami sa kanya, nakaturo siya sa amin ni Jam. "Kabahan ka na siz, baka mamaya magulat ka na lang itanan ni Kuya Handrex si Kuya Jam!" Papailing na sinaway ni Maria si Jane.

HappinessWhere stories live. Discover now