CHAPTER XLVIII: BEHIND HIS MATURITY

58 3 0
                                    

🍯🍯🍯

"Sabihin mo sa akin, anong sinabi mo kay Aldrine?" Rinig kong tanong niya ng maiwan kaming dalawa sa sala.

Napabuntonghininga ako saka ikwinento sa kanya kung anong nangyari noong unang beses na iniwanan sa akin ang bata.

"You have a point pero mali pa rin na sinabi mo 'yon sa kanya, bata pa si Aldrine hindi pa dapat siya namumulat sa mga ganoong bagay." Sabi niya matapos marinig ang mga sinabi ko.

"I'm sorry, ang nasa isip ko noon dapat habang bata pa siya kailangan niyang matuto para hindi siya matulad sa akin na nangangapa."

"Handrex....?"

Pinagmasdan ko siyang maigi bago ako muling bumuntonghininga. "May sasabihin ako mamaya,"

Napakunot ang noo niya. "Bakit hindi pa ngayon?" Takang tanong niya.

"Nand'yan sila," tipid na sagot ko.

Napakurap-kurap siya at napatango ng maintindihang ayokong may ibang makaalam sa sasabihin ko. Matapos iyon ay hinayaan niya muna ako, sumapit ang hapunan at tinulungan niya si Mommy na maghain sa hapag samantalang inalalayan ko naman si Granny para makasabay sa amin.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan siya, ito ang unang beses na makakasabay ulit siya ng pamilya ko sa hapag matapos ang ilang taon.

"Tama na 'yan hija, maupo ka na." Saway ni Mommy ng mapansing tuloy pa rin siya sa pag-aasikaso kahit pa nakaupo na ang lahat maliban sa aming dalawa.

Inilapag niya ang hawak saka lumapit sa silya, iniusog ko iyon at ipinaghila siya para makaupo bago ako naupo sa silya ko.

Malayo sa senaryo noon na tahimik ang hapag, ngayon ay napuno iyon ng kwentuhan nilang dalawa ni Mommy na paminsan-minsan ay sinasabatan nila Hannah.

"M-masaya a-ako," sambit ni Granny saka hinawakan ang kamay ni Jane na nakalapag sa mesa dahilan para mapatingin kaming lahat sa kanya.

"M-masaya a-akong b-bumalik k-ka n-na," pagpapatuloy niya saka ngumiti na ikinangiti din ni Jane marahil hindi na siya nagulat dahil alam naman niya ang kondisyon ni Grandma.

"Masaya din po akong kasama kayo," sagot niya.

"Ako din po! Masaya na kasama kayo!" Singit ni Aldrine na ikinatawa ng lahat.

"Teka, tatawagan ko ang daddy niyo." Sabi ni Mommy saka kinuha sa bulsa ang cellphone at ginawa ang sinabi.

Ilang minuto ang lumipas bago siya ngumiti. "Love!" Masayang bungad niya na ikinangiwi ng lahat.

"Kadiri ka naman mom!" Hiyaw ni Harry.

Tiningnan siya ng masama ni Mommy. "Manahimik ka Valtazar, 'yang inaarte mo paniguradong magiging karma mo." Banta niya saka bumaling sa cellphone.

["Hey gorgeous, how are you? Ang mga bata kamusta?"]

Napahawak ako sa sintido ko ng marinig iyon, mahina namang tumawa si Jane saka lumapit. "Alam ko na kung kanino ka nagmana," natatawang bulong niya na ikinasimangot ko.

"Kanino po?" Usisa ni Aldrine na narinig iyon dahil nasa gitna namin siya ni Jane.

"Mamaya na tayo magkamustahan, may ipapakita kami sayo!" Awat ni Mommy saka itinapat ang camera kay Jane. "Nakikita mo ba 'yan? Kilala mo?" Tanong niya.

["Of course, she's Jane. Frank's daughter."] Sagot ni Daddy.

"Magandang gabi po," nahihiyang bati ni Jane na ikinakunot ng noo ni Daddy.

HappinessWhere stories live. Discover now