CHAPTER IV: THE CLOSER I GET TO YOU

227 103 71
                                    

🍯🍯🍯

Walang humpay ang pagbagsak ng snow sa labas, kitang-kita ng mga mata ko ang makakapal na nyebe na bumabalot sa kalsada maging sa buong paligid.

Nakatayo ako sa tabi ng bintana sa loob ng kwarto ko, ilang araw na din akong nandito lamang sa loob ng mansyon dahil ayaw akong palabasin ni Mommy baka daw magkasakit ako dahil sa lamig.

Hindi ko maiwasang isipin siya, kung kamusta na ba siya sa mga lumipas na araw at kung ayos lamang ba siya.

Nag-aalala pa rin talaga ako at kahit na itaob ko pa ang buong bahay para lang ibaling ang atensyon ko sa ibang bagay ay hindi ko magawa dahil paulit-ulit na pumapasok siya sa isip ko.

Napabuntonghininga ako saka naglakad palapit sa pinto ng kwarto ko, paglabas ko ay may dumaang dalawang maid sa harap ko.

"Narinig mo ba ang balita?"

"Ano ‘yon?"

"Tungkol sa snow, posible daw na mag-zero visibility ang daan dahil sa kapal ng nyebe at hamog na dala nito."

"Hala! Hindi ba't delikado iyon?"

"Hindi lang baka, dahil talagang delikado." Rinig kong sagot no’ng isa bago sila tuluyang makalayo.

Napakunot ang noo ko, zero visibility at delikado daw iyon.

Kinuha ko ang phone ko sa patungan saka nag-search ng updated news article online, ng matiyak ko na totoo nga ‘yong sinabi ng mga maids ay agad-agad akong nagsuot ng makapal na panlamig.

Buo na ang loob ko, hindi talaga ako mapapanatag hanggang ‘di ko nasisigurong ayos siya.

Matapos mag-asikaso, bumaba ako sa sala kung saan palaging nag-iipon-ipon sila Mommy.

"Oh!” Nagulat si Grandpa ng bigla akong sumulpot. “Where are you going grandson?"

"I have to go outside gramps."

"Handrex—" kokontra sana si Mommy pero pinutol ko agad.

"—Just for today mom, let me go outside. I promise babalik akong safe, I just want to check something." Napabuntonghininga siya ng marinig iyon.

Hinawakan siya ni Grandma. "Hayaan mo na hija, mukhang binata na talaga itong anak mo at nag-aalala na para sa isang espesyal na dalaga sa buhay niya." Panunudyo niya pa.

"Aalis na po ako." Paalam ko.

Mabilis kong tinahak ang palabas ng gate ng mansyon saka buong ingat na naglakad papunta sa simbahan kung saan ko siya huling nakita.
Hindi nga talaga biro ang kapal ng snow dahil kahit sa nilalakaran ko ay nahihirapan akong lumakad dahil sa kapal nito, idagdag pa ang hamog na dahilan ng pagm-moist ng salamin na suot ko para sa proteksyon sa mata.

Pagdating ko sa simbahan ay agad ko siyang hinanap.

"Emerald!” Sigaw ko. “Where are you?!" Inilibot ko ang tingin sa paligid.

"Ba't ba ang ingay mo?" Agad kong nilingon kung saan nanggaling ‘yong boses at nakita ko siya, nakatayo “di kalayuan sa akin habang suot pa rin ang ibinigay kong panlamig noong nakaraan.

Dali-dali akong lumakad papunta sa kanya at nang makalapit ako ay agad niyang ihinarang ang mga kamay niya.

"Opps! D’yan ka lang, ‘wag mo ng tangkaing gayahin ‘yong mga nasa palabas hindi nakakatuwa ‘yong gano’n."

Sinimangutan ko siya. "Ang kj mo."

Tumawa siya. "At ang corny mo kung—Handrex!" Napasigaw siya ng hilahin ko siya palapit sa akin at niyakap dahilan para tumumba kame parehas sa nyebe.

HappinessWhere stories live. Discover now