CHAPTER XXIII: FLOWERS

106 64 0
                                    

🍯🍯🍯

"KUYAAAAAAA!" Naalimpungatan ako ng marinig iyon kasabay ng paulit-ulit na pagkatok sa pinto ng kwarto ko.

Mabigat ang pakiramdam na tumayo ako at tinungo ang pinto saka binuksan iyon, bumungad sa akin si Honey na may bitbit na isang bouquet ng bulaklak.

"Ano?" Salubong ang kilay na tanong 'ko.

"Nagpuyat ka na naman kaiisip kay ate emerald?"

Napasaltak ako. "Tinapos ko ang plates ko, ano bang kailangan mo?"

"Oh!" Iniabot niya ang hawak. "Para sayo daw sabi no'ng nag-deliver."

Napakunot ang noo ko. "Kanino galing?"

"Hindi ko din alam," pinilit niyang ipahawak sa akin iyon. "Bahala ka na d'yan, papasok na ko sa school!" Sabi niya saka nagmamadali ng umalis.

Isinara ko ang pinto at tiningnan kung may letter o anumang card iyon, ng wala akong makita ay itinapon ko na lang iyon sa trash bin na nasa likod ng pinto. Aanhin ko naman ang bulaklak na iyon?

Kinuha ko sa sabitan ang twalya ko saka dumiretso sa banyo para maligo, nagbibihis na ako ng maalala ko ang itsura ng bulaklak, para bang nakita ko na iyon noon. Matapos magbihis ay binalikan ko sa trash bin ang bulaklak saka kinuhanan ng litrato at hinanap sa internet ang kaparehas na bulaklak.

Napakunot ang noo ko ng lumabas ang resulta. Those are Chrysanthemum which symbolize that a death is coming and it also symbolize final goodbyes. The question is, why did I receive such thing like that? Para saan?

Jane received a purple hyacinth while I received yellow and white chrysanthemum, may koneksyon kaya ang mga iyon?

Napabuntonghininga ako saka naupo sa silya at humarap sa laptop ko, lumipas ang buong araw na hindi na nawala sa isip ko ang tungkol sa mga bulaklak.

"Kuya?" Rinig kong tawag ni Honey pagsapit ng gabi.

"Ano na namang kailangan mo?" Tanong ko ng hindi man lang siya nililingon.

"Hehe, may pera ka pa?"

"Nand'yan sa bulsa," turo ko sa pants kong nakasabit.

"Okay!" Rinig kong sabi niya.

Muli akong napabuntonghininga at sumandal habang nakatingin sa laptop ko.

"Akala ko naman kung anong ginagawa mo at 'di mo ko malingon," nagulat ako ng marinig iyon at agad ko siyang tiningnan, napailing-iling siya. "Huwag mo sabihing simula kaninang umaga hanggang ngayon e tinititigan mo na 'yang litrato ni ate Jane." Akusa niya dahilan para mapatingin ako sa laptop ko, agad kong isinara iyon.

Bahagya siyang tumawa. "Ayos lang 'yan, kasalanan mo 'yan ayaw mong manligaw. Anyway, 'yong bulaklak nalaman mo na kung kanino galing?" Umiling ako. "Tanga naman ng admirer mo, 'di alam na sa green ka mahilig at hindi sa yellow or white."

"I doubt na galing sa admirer 'yan,"

"Kanino pala?"

"White and yellow chrysanthemum symbolize that a death is coming and goodbyes."

Nagulat siya. "D-death? Sino namang may galit sayo na gusto kang patayin?"

Napakunot ang noo ko. "What do you mean?"

"E kuya, death is coming tapos in-associate sa goodbye. What if yo'ng nagpadala sayo binabalaan ka na malapit na si kamatayan at kailangan mo ng maghanda sa huling pamamaalam?" Hindi ako nakaimik. "Ikaw lang ba ang may ganyan? Sila Kuya Grandell?"

"Si....Jane," wala sa loob na sagot ko.

"Si ate Jane?" Ulit niya. "Anong nakuha niya?"

"Purple Hyacinth....."

HappinessWhere stories live. Discover now