CHAPTER VII: HER VOICE

169 86 15
                                    

🍯🍯🍯

Dalawang araw bago ang pasko ay nasa balcony ako ng kwarto ko at tumutugtog ng gitara.

Patuloy pa rin ang pagbagsak ng makakapal na nyebe sa labas at mas lalong lumalamig ang panahon, nakasuot na nga ako ng makapal na panlamig pero ramdam pa rin iyon ng balat ko.

"Handrex?" Saglit ko siyang nilingon bago tinuloy ang ginagawa ko.

Naglakad siya palapit pagkatapos ay naupo sa tabi ko.

"May problema ka ba?"

"Emerald."

Napabuntong hininga siya. "Nag-aalala lang naman ako kase tahimik ka."

"Palagi naman akong tahimik."

"Alam ko."

"Ba't ka pa nagtatanong?"

"Kase gusto kong malaman ‘yong totoo."

"Kahit kelan hindi ako nagsinungaling sayo."

"Maka-kahit kelan, ‘di pa naman tayo nagtatagal na magkakilala ah."

"Wala sa tagal para mapatunayan kung totoo sayo ang tao."

"Saan naman aber?" Taas ang kilay na tanong niya.

"Sa mga ikinikilos at ipinakikita niya sayo."

"So bakit ang seryoso mo?"

"Emerald."

"Napaka-seryoso mo." Natatawang sabi niya saka pinisil ang pisngi ko.

"Napakarami mong reklamo."

"Nagsasabi ako ng totoo ‘di ako nagrereklamo!" Bakas sa tono ng boses niya ang pagka-inis dahil sa sinabi ko.

Inilapag ko ang hawak kong gitara saka humarap sa kanya.

"Bakit ka nagagalit?"

"Hindi ako galit!" Sigaw niya saka sinamaan ako ng tingin.

"Kung ‘di ka galit, ba't ganyan ang itsura mo?"

"Handrex!"

Lumapit ako sa kanya. "Ano na naman bang kinaiinis mo?"

"Wala."

"Wala pero kung makatingin ka ng masama parang gusto mo kong sakalin."

"Kung pwede lang baka talagang ginawa ko na."

"Galit ka nga sa’kin?"

"Huwag ka ngang tanong nang tanong."

"Bakit?"

"Nakakairita."

Mahina akong napatawa dahilan para taasan niya ako ng kilay, agad akong napatikhim at umayos dahil doon. “Emerald."

"Ano na naman?"

"Can I hug you?"

"Huh?" Sagot niya, napasaltak ako saka niyakap na siya kahit pa hindi pa siya sumasagot.

"Teka! Hindi ako pumayag!" Sigaw niya saka pilit na humiwalay sa akin pero hindi ko siya binitawan.

"Sorry na, kung nagalit ka ‘di naman sinasadya." Mahinang kanta ko dahilan para mapahinto siya at mapatingin sa akin, hinaplos ko ang buhok niya.

Sumiksik siya sa akin saka kinanta ang susunod na liriko. "Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga hindi ako nag-iisip nauuna ang galit."

"Sorry na talaga sa aking nagawa tanggap ko na mali ako, huwag sanang magtampo." Nag-angat siya ng tingin ng marinig iyon.

HappinessWhere stories live. Discover now