CHAPTER XLI: CONFESS

54 12 0
                                    

🍯🍯🍯

"Goodmorning," bati ko ng mapansing gising na siya, bumaling siya sa side ko saka sinilip ako habang namumungay pa ang mga mata sa antok.

"Morniiing," mahinang sabi niya saka iniabot ang kamay sa akin, hinawakan ko iyon. "Nakatulog ka ng maayos?"

"Oo naman," bumangon na ako at lumipat sa kama para maupo sa gilid niya. "What do you want for breakfast?"

Hindi siya nagsalita at nag-open arms lang, napangiti ako saka lumapit, nag-lean ako at hinayaang yumakap siya sa akin.

"Fried rice with corn beef and egg sounds good on breakfast," muli akong napangiti ng marinig ang sagot niya, mag-iisang linggo pa lang kaming araw-araw magkasama pero mukhang nasanay na siyang kumain ng maayos sa umaga, malayo sa salad na palagi niyang hinihingi noon.

"And strawberry milk?"

Umiling siya. "Just milk," pagtatama niya.

"Okay, okay. Is that all?" Tumango siya saka bumitaw na, hinalikan ko siya sa noo bago iniwanan at nagtungo ako sa kusina para magluto. Patapos na ako ng pumasok siya sa kusina, dumiretso sa cup board at nagtimpla saka iniabot sa akin ang mug bago bitbit ang sa kanya na nagtungo sa balcony. Hinayaan ko lang siya, nakahain na ako ng puntahan ko siya.

"Hey, nakahain na ko. Kain na tayo?" Bungad ko pero agad na nagsalubong ang mga kilay ko ng mapansing umiiyak siya, nag-aalalang lumapit ako. "You okay?"

Umiling siya saka pinunasan ang mga mata. "Last night na mamaya," sambit niya na agad kong naintindihan kung anong tinutukoy niya.

"Pupunta ka?"

Tumango siya. "Hindi ako papasok,"

"Okay, ihahatid kita."

Umiling siya. "Huwag na, paniguradong nandoon si Daddy-"

"-I don't care," napatingin siya sa akin ng marinig iyon. "Not that I don't respect him, I respect him as your father but I don't give a damn on his wrath."

Hindi siya umimik at pinunasan ang mga mata saka hinawakan ako. "Halika na, lalamig ang pagkain." Pag-iiba niya saka hinila na ako papasok sa loob, tahimik kaming kumain at pagkatapos ay nag-asikaso.

Nauna siyang maligo habang naghugas naman ako ng pinagkainan, paglabas niya sa banyo ay saka ako naligo ngunit natapos na lang ako lahat-lahat sa pag-aasikaso ng sarili ko, nakabihis na ko lahat-lahat hindi pa rin siya natatapos mag-asikaso. Napabuntonghininga ako saka tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa, lumapit ako sa pinto ng kwarto niya saka pinihit ang doorknob.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko siyang abala sa pagpapahid ng lotion, napahinto siya saka napatingin sa akin. "Saglit lang, naiinip ka na?" Tanong niya na inilingan ko.

Pumasok ako at agad niyang binalingan ang mga nasa kama niyang gamit. "Ako na, tapusin mo na 'yan." Prisinta ko, napasimangot naman siya.

"Sorry," nahihiyang sabi niya saka tinuloy ang ginagawa.

Hindi ako umimik at lumapit sa walk in closet niya, kumuha ako ng bag saka bumalik sa kama para isalansan ng maayos ang mga gamit niya sa loob ng bag. Matapos niyang magpahid ng kung ano-ano ay humarap siya sa salamin para magsuklay, lumapit naman ako sa shoe rack at ikinuha na siya ng sapatos. Muli siyang napahinto ng ilapag ko iyon malapit sa kanya, napaharap siya sa akin at tiningnan ang kinuha ko bago bumalik sa ginagawa.

Naupo na lang ako sa lapag habang iniintay siya pero hindi rin ako nakatiis at muling lumapit, napatingin siya sa akin ng hawakan ko ang paa niya saka maingat na isinuot sa kanya ang sapatos. Nanlaki ang mga mata niya, nagulat siya ngunit nauwi din iyon sa marahang pagtawa. "Naiinip ka na?" Ulit niya sa tanong niya kanina na muli kong inilingan. Ilang minuto pa ang lumipas bago siya tuluyang natapos, napakunot ang noo ko ng mapailing siya matapos naming makalabas ng building. "Ikaw ang pumili ng bag, hindi mo na kinuha 'yong plain." Natatawang sabi niya.

HappinessWhere stories live. Discover now